Lolo, nag-skydiving; Itinaon sa kanyang 85th b-day
MARAMI nang nalampasang panganib si Gary Lenz-ner, 85, ng San Diego, USA. Nakaligtas siya sa kamatayan noong World War II. Isa siyang Holocaust survivor. Nakatakas siya sa concentration camp. Iyon ang isa sa hindi niya malilimutang karanasan sa kamay ng malupit na si Adolf Hitler. Pero napatunayan niya na mas mahusay siya at matibay kaysa kay Hitler sapagkat buhay pa siya hanggang ngayon.
Sabi ni Lenzner, “Gusto kong patunayan kay Hitler na mas malakas ako sa kanya.†Noong 2011, pinatunayan iyon ni Lenzner nang mag-skydiving at tinaon sa kanyang 85th birthday.
Ayon kay Lenzner, matagal na niyang balak ang pagtalon sa eroplano. Pinlano niya at pinag-isipan nang maraming taon. Kinunsulta ang pamilya ukol sa plano.
At natupad iyon noong 2011. Tumalon sa eroplano si Lenzner sa taas na 10,000 feet at 40 segundo siyang palutang-lutang sa ere. Ligtas siyang nakapag-parachute sa Nichol’s Field sa Jamul, east ng San Diego.
- Latest