Batang Superbook
IKINAGAGALAK ko pong ibalita na ako at ang aking anak na si Gummy ay mga ganap nang Superbook agents, mga bida ng pagbabago. Malaki ang pasasalamat ko sa CBN ASIA sa pagtanggap sa amin. Isang malaking karangalan na mapabilang sa ganitong adbokasiya. Bilang Superbook agents, nangangako kaming magiging tapat at masipag sa paghihikayat sa kabataang Pilipino na mas makilala at magkaroon ng pananalig sa Diyos habang sila ay bata pa.
Alam n’yo bang 1/3 ng populasyon ng bansa ay mga kabataang nasa edad 0-14? At alam n’yo rin bang sa edad na ito, ang telebisyon ay isa sa mga pinaka-makapangyarihang impluwensiya sa behaviour ng bata? Ang mga nakikita at mensaheng natatanggap ng bata sa pamamagitan ng telebisyon ay may malaking dulot sa kanyang belief at values system. Kaya nga
mahigpit na ipinagbabawal sa mga bata ang panonood ng suntukan, bugbugan, barilan at anupamang violent cartoons o violence-containing television shows dahil naaapektuhan nito ang ugali ng bata.
Sa pamamagitan ng Superbook, kung saan ipalalabas sa TV ang mga kuwento ng Bibliya sa anyo na nakaeengganyo at nakalilibang sa mga bata, umaasa kaming magkakaroon ng interes ang bata na lumawak ang kaalaman tungkol sa Diyos, sa Bibliya at mga aral nito.
Hindi lamang mga kabataang nasa edad 0-14 ang nais naming hikayating manood ng Superbook sa GMA 7 tuwing Sabado at Linggo ng umaga, kundi pati na rin ang mga magulang. Mahalaga ang presensiya ng magulang upang gabayan ang anak sa mga pinapanood. Mas mabisa ang pag-absorb ng aral sa napanood kung naririyan ang magulang. Magandang bonding activity ito.
Tatlumpung taon na mula nang itaguyod ang Superbook. Naisalin na rin sa 40 wika at naipalabas sa 80 bansa! At sa Pilipinas ay kabilang kami ni Gummy sa 10 celebrity Superbook Agents! Abangan si GIZMO sa GMA 7 tuwing 7:30 ng umaga. Maglilibot din ang Superbook agents sa Robinson’s Malls simula July 14! Abangan ang aming mall shows, activities at mga baranggayan!
- Latest