‘Kodakan magkakaalaman na’
MAHIGIT limang libong entries (litrato) mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang pinagpilian sa 48 Grand Finalist para sa kauna-unahang Photography Competition ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR). Ang ‘final judging’ ay gaganapin sa ika-5 ng Hulyo, 2013 sa Airport Casino Filipino sa Parañaque City. Ayon kay Ms. Maricar Bautista, PAGCOR’s Assistant VP para sa Corporate Communications, ang mga entry na ito ang namumukod tangi sa mahigit na 5,500 na mga litrato na isinumite ng mga pinagsamang baguhan at propesyonal na litratista sa buong bansa para sa kauna-unahang photography contest ng ahensya. Ito ay pinili ng mga kilala at batikang ‘professional photographers’ mula sa lokal at internasyonal na kilala sa buong mundo. Mula sa iba’t-ibang lalawigan ng Pilipinas nanggaling ang isinaling mga litrato sa kontes na ito. Mayroong mga entries na nagmula sa malayong probinsya ng Batanes, Isabela, Camiguin, Lanao del Norte at Zamboanga. Ang pinakabatang kalahok ay labing walong (18) taong gulang habang ang pinakamatanda ay nasa 70 taong gulang. Tulad ng PAGCOR’s National Art Competition noong 2012, ang 1st National Photography Competition ng ahensya ay pinagtibay ng kanilang tema na mula rin sa tourism slogan ng ating bansa na “It’s More Fun in the Philippinesâ€.
Binanggit ni Ms. Bautista na ang PAGCOR ay kaakibat ang Department of Tourism (DOT) sa pagtataguyod ng mga magagandang atraksyon sa ating bansa. “Ito ang aming paraan sa pagtulong sa ating bansa na makilala ang mga pambihirang likas na yaman, mga bantog na tourist spot, nakagigiliw na kultura at tradisyong Pilipino. Kami ay nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok sa kompetisyong ito, †dagdag pa ni Ms. Bautista. Hindi mabilang na magagandang tanawin at kamangha-mangha mga destinasyon sa ating bansa ang natuklasan sa paligsahang ito ng PAGCOR. Maraming magagandang lugar sa ating bansa katulad ng 1.7 kilometer na ‘old port’ sa Silay City ng Negros, ang nakapagbibigay inspirasyong ‘landscape’ ng Sambawan Island mula sa Eastern Visayas, Leyte’s Canigao Island, at ang pambihirang ‘rock formations’ ng Kapurpurawan, Ilocos Norte at Basco, Batanes. Ito ay nagpapakita lamang na pinagpala ang ating bansa. Ang panrehiyong pagpili ng mga entry mula sa Luzon,
Visayas, Mindanao at Metro Manila ay ginanap nung June 3, 7, 10 at 14 sa Airport Casino Filipino.
Pinangunahan ng ilan sa mga batikang photographers at visual artists ng ating bansa ang screening na itinalaga ng PAGCOR na isinangguni ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Isa sa naging hurado sa Visayas screening si Nap Jamir na Cinematographer at isang ‘awardee’ ng Urian na nagsabing nahirapan siya sa pagbibigay ng grado sa mga litrato. Isa pang hurado ay si Joe Galvez, na senior photo editor ng GMA online na nagsabing ang kompetisyong ito ay nagsusulong ng ating pambansang sektor para sa turismo. Narito ang iba pang listahan ng mga hurado sa screening ng paligsahan, ito ay sina Chairperson of the Federation of Philippine Photographers Foundation na si Eduviges Huang, Wawi Navarroza (Awardee of CCP’s 13 Artists), sa Maculangan (Artist/Photographer), Albert Avellana (owner, Avellana Art Gallery), Philip Escudero (professional photographer) at Joey Tanedo (professor of Visual Communications, UP Diliman College of Fine Arts). Mayroon ding mga miyembro ng ‘board of judges’ mula sa PAGCOR, ito ay ang mga Director na sina Lito Tanjuatco at Eric Nuguid, at AVP Maricar Bautista. Ang lahat ng mga napili para sumailalim sa final judging ng 1st PAGCOR National Photography Competition ay ilalabas sa isang eksibit mula sa ika-5 hanggang ika-12 ng Hulyo, 2013 sa Airport Casino Filipino. Ang pormal na pagtatanghal ng nanalo ay sa ika-12 ng Hulyo, 2013. Magkakaroon ng 12 grand winners (3 sa bawat kategorya- People, Nature, Structures/Historical Landmarks and Customs and Traditions) na tatanggap ng P75,000 bawat isa.
Ang mga magwawaging entry ay gagamitin sa kalendaryo ng PAGCOR sa taong 2014. Ang 36 na hindi mapipili ay makatatanggap din ng consolation prize na P20,000 bawat isa. Inanunsyo ni Ms. Bautista na ang PAGCOR ay magkakaroon din ng espesyal na award para sa “Most Liked†na litrato na kung saan mapipili sa pamamagitan ng pagboto online. Ang kontes na ito ay bukas para sa lahat ng PAGCOR Facebook followers mula ika-20 ng Hunyo hanggang ika-9 ng Hulyo, 2013. Maari bumoto sa litratong inyong magugustuhan sa pagbisita sa ‘FB account’ ng PAGCOR. Ang kumpletong listahan at mga larawan ng grand finalists ng 1st PAGCOR National Photography Competition ay makikita sa opisÂyal na website ng ahensya na www.pagcor.ph at facebook page na facebook.com/pagcor.ph. (KINALAP NI CARLA CALWIT)
Ang aming mga numeÂro 09067578527(Carla) / 09213784392 (Pauline)/ 0921Â 3263166 (Chen)/ 09198972Â854 (Monique). Landline 638Â7285 at 24/7 hotline 7104038. Maari rin kayong pumunta sa 5th floor City State Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes 9AM-5PM. Add us on Facebook: [email protected]
- Latest