^

Punto Mo

Lampong (326)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

N ANG mga sandaling iyon ay nasa barko pa si Dick. Muntik na siyang hindi umabot sa last trip ng barko mula Batangas patungong Calapan. Sinisisi niya ang taong bumili ng kanyang mga gamit dahil hapon na nang dumating. Nasiraan daw ang sasakyan na maghahakot ng gamit. Aayaw na sana si Dick sa kausap na lalaki pero nagmakaawa na ito. Naawa naman si Dick sa lalaki.

Nang magkabayaran, mabilis siyang umalis sakay ng taxi at nagpahatid sa bus terminal. Naatrasado naman ang bus sa pagdating sa terminal. Matrapik daw sa SLEX dahil sa bumarang container van. Nakaalis ang bus nang dakong alas-sais ng hapon.

Nang dumating sa Ba­tangas pier ay mag-aalas- otso na ng gabi. Last trip na pala ng barko patungong Calapan. Muntik na siyang hindi umabot.

Habang nasa barko, ala­lang-alala siya kay Jinky. Tiyak­ na hinihintay siya nito. Dinukot niya ang cell phone para tawagan ito.

“Hello Jinky!’’

“Dick!”

Mahina ang boses ni Jinky. Parang nasa malayung-malayong lugar ito. Bakit kaya napakalayo gayong kapag tumatawag naman siya dati ay maliwanag. Bahagya niyang marinig ang boses.

“Nasa barko pa ako. Kumusta ang lagay mo? Si Mulong ba nakabantay sa gate?”

Pero hindi niya marinig ang sagot ni Jinky. Ngamol.
Dikit-dikit. Dahil kaya tuma­takbo sila sa laot?

Hanggang sa ipasya niyang huwag nang tawagan at tinext na lang. Sinabi niya ang kina­roroonan. Baka mga bandang alas-dose ng hatinggabi siya makakarating sa Socorro.

Hinintay niya ang sagot pero wala. May problema siguro ang communication.

Eksaktong alas-diyes ng gabi ay nasa Calapan port na sila.

Matagal pa bago nakasakay ng van si Dick. Iilan na lang pala ang van na bumibiyahe sa gabi.

Nakarating siya ng alas- dose sa Socorro.

Noon niya naisipang tawagan si Jinky. Pero nagulat siya dahil lowbat na ang cell phone niya. Hanggang sa tuluyang nang mamatay.

Nagmamadali siyang naghanap ng traysikel patungong Bgy. Villareal. Nang makakita, pinaharurot niya. Mag-aala una na siya naka­rating sa Villareal.

Binilisan niya ang pag­lalakad patungo sa bahay. Nang makarating, parang walang tao sa loob. Wala rin si Mulong sa gate.

“Jinky! Jinky!”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

CALAPAN

HANGGANG

HELLO JINKY

JINKY

MUNTIK

NANG

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with