^

Punto Mo

Taynga ng langaw nakakabit sa dibdib

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

HINDI lang pala sa keso matakaw ang mga daga. Natatakam din sila sa tsokolate at kahit sa amoy pa lang nito. Natuklasan ng mga scientist ng University of Warwick sa England sa kanilang pananaliksik sa mga bagong paraan ng panghuhuli sa mga daga ang paggawa ng chocolate mousetrap na susupil sa naturang mga peste.  Hindi na kailangan dito ang pain, ayon kay Ricky Singh ng Innovation-Direct sa University of Warwick. Ipinahiwatig niya sa isang panayam kamakailan na ang ineksperimento nilang mousetrap ay gawa sa isang espesyal na plastic na hinaluan ng chocolate extract. Sa mga ginawa nilang pagsubok,  kapansinpansin umano na hindi maiwasan ng mga daga na hindi lumapit sa chocolate mousetrap dahil lubha silang natatakam sa amoy pa lang ng taglay nitong tsokolate.  Mas lubha palang natatakam ang daga sa tsokolate kaysa sa vanilla at keso.

• • • • • •

Kakaunting asteroid lang ang maaaring sumalpok sa Daigdig, ayon sa ilang scientists. Napaulat sa science journal na Nature ang resulta ng computer simulation at pag-aaral sa mga kaukulang datos na isinagawa nina Dr. Phil Bland ng Imperial College in London (England) at Natalia Artemieva ng Russian Academy of Sciences.  Tinataya nila na, minsan lang tuwing ika-160,000 taon,  ang mga asteroid na may diameter na 200 meter (yards) ang sasalpok sa Daigdig pero konti lang ang mga ito. Gayunman, hindi pa rin nawawala ang panganib sa ating planeta ng mga higanteng bato na umiinog sa kalawakan.

• • • • • •

 Alam ba ninyong ang dalawang taynga ng langaw ay nakakabit sa dibdib nito? Ayon sa mga scientist, ang taynga ng langaw ay 1,000 mas mabilis na nakakasagap ng tunog kumpara sa taynga ng tao.

• • • • • •

May  isang report  sa Scientist Magazine na nagsasaad na natuklasan ng mga French forensic expert na hindi lang sperm o semilya ng lalaki ang kailangang hanapin o tingnan para matukoy kung totoong ginahasa o hindi ang isang babae.  Maaari rin daw matukoy ito sa pamamagitan ng Y chromosomes sa marka ng balat na naiwan ng rape suspect sa katawan ng biktima.

 

DAIGDIG

DR. PHIL BLAND

IMPERIAL COLLEGE

LANG

UNIVERSITY OF WARWICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with