^

Punto Mo

Lampong (323)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGHINTAY si Mulong sa kung sinumang may masamang tangka. Naka­handa siyang mamatay para mailigtas sina Jinky. Bago makapasok sa bahay ang sinuman, titiyakin niyang may mamamatay sa mga ito. Ibubuhos niya ang lakas sa pagtatanggol sa taong naging mabait sa kanya.

Pero lumipas ang ilang minuto ay walang nagtangkang sumalakay. Ganoon man, hindi nagkumpiyansa si Mulong. Baka pinalilipas lang ang ilang oras at kapag nakalingat siya ay saka sasalakay.

Nanatiling gising si Mulong­.

Hanggang sa mag-umaga ay hindi na niya naramdaman ang kakaibang mga kilos.

Kinaumagahan, agad niyang nireport kay Mam Jinky ang naramdaman at naobserbahan niya kagabi. Takot agad ang naramdaman ni Jinky. Parang bumalik ang takot na naramdaman noong bihag siya ni Pac.

“May nagtatangka na naman­ ba sa buhay natin, Mulong?”

“Hindi po ako sigurado Mam Jinky pero malakas ang kutob ko na may tao o mga taong lihim na nagmamatyag sa atin.’’

“Diyos ko!”

“Pero huwag ka pong ma­takot Mam Jinky. Bago sila makapasok dito sa bahay, sisiguruhin kong malalagasan sila. Lalaban ako sa kanila nang sabayan.”

“Salamat Mulong. Kaila­ngan ko bang tawagan o i-text si Dick para umuwi na?”

“Huwag po muna Mam Jinky. Baka lang mag-worry siya e hindi maging maayos ang mga nilalakad niya.’’

“Pero kailangang narito siya.”

“Huwag ka pong mag-worry Mam. Kaya ko kayong ipagtanggol.’’

“Sige Mulong. Maraming salamat.”

“Kung saka-sakali lang Mam, mamayang gabi, ikandado n’yong mabuti ang pinto ng kuwarto para hindi makapasok ang sinuman. Sabihin mo po kay Tina at sa iba pang kasama sa bahay.’’

“Sige sasabihin ko. Pero ano sa palagay mo Mulong, mga magnanakaw kaya ang nararamdaman mong uma­aligid dito?’’

“Hindi po ako sigurado Mam. Ang duda ko po, baka maghihiganti.”

“Maghihiganti? Bakit?”

“Malay mo po dahil sa pagkakapatay kay Pac.”

“Higanti ng sindikato ng droga?”

“Puwede po.”

“Diyos ko! Akala ko, tapos­ na ang problema. Meron­ na naman.’’

“Huwag kang mag-worry Mam.’’

“Mabuti pa, tawagan ko si Dick!” sabi ni Jinky.

(Itutuloy)

DIYOS

HUWAG

JINKY

MAM

MAM JINKY

MULONG

PERO

SALAMAT MULONG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with