‘Trial by publicity’
GALIT NA GALIT ang ilang pulitiko at opisyal ng gobyerno kapag nasangkot ang kanilang pangalan sa eskandalo at sinasabing biktima sila ng “trial by publicityâ€.
Nawasak ang kanilang reputasyon dahil sa pagkakasangkot sa eskandalo na sa dakong huli ay hindi naman napatunayan.
Kaya ko nabanggit ang usapin ng “trial by publicity†ay dahil sa mainit na kontrobersiya ng “sex for repatriation’’ na nagaganap sa Jordan, Syria at Kuwait na ang sangkot ay mga labor official. “Ibinubugaw†sa dayuhan ang mga distressed na babaing OFWs kapalit nang mabilisang repatriation.
Sa mga TV at radio interview kay Akbayan party-list representative Walden Bello, tahasan niyang pinangalanan sina Mario Antonio, Blas Marquez at Kim na nagbubugaw umano sa mga OFWs. Kahapon, ipinag-utos ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na pauwiin sa bansa ang tatlong nabanggit.
Sana, maiharap naman ni Bello ang mga nagreklamong OFWs upang magkaroon nang matibay na ebidensiya laban sa labor officials.
Mayroon namang senador at kongresista na agad sumakay sa isyu. Dapat daw patawan nang mabigat na parusa ang tatlong sangkot na opisyal kapag napatunayan ang alegasyon. Maganda sana kung tulungan na lang ng mga senador at kongresista ang mga biktima para hindi matakot lumantad. Bigyan nila ng proteksiyon ang mga biktima para madiin ang labor officials.
Nakakagalit ang alegasyong ito at dapat talagang patawan nang mabigat na parusa ang tatlong labor officials. Sila ang dapat na nangangalaga sa kapakanan ng mga kababayang OFW pero sila pa ang nagtutulak sa mga ito para mabulid sa bangin ng kapahamakan.
Marami ang nagiging biktima ng prostitusyon. “Kumakapit sa patalim†ang ilang kababaihan. Mayroong ayaw nang umuwi sa Pilipinas dahil baon sila sa utang at matindi ang kahirapang dinaranas ng kanilang pamilya.
- Latest