^

Punto Mo

Lampong(331)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATI ang mabait na boss ni Dick ay hindi makapaniwala sa ginawa niyang desisyon na pagre-resign.

“Baka naman puwede kang hindi na mag-resign at padalaw-dalaw na lang sa itikan mo, Dick. Mawawalan ako nang mahusay na art director. Baka hindi ako makakuha ng katulad mo.’’

“Marami pa riyan, Bossing. Kailangan ko talagang mag-resign dahil kailangan kong matutukan ang itikan namin. Actually sa magiging wife ko ang itikan pero marami akong naiisip para mapaunlad ang itikan. Bukod kasi sa itikan ay balak kong magtayo ng iba pang negosyo.’’

“He-he-he, talagang hindi na kita mapipigilan. Sige Dick, kung saan ka magiging maligaya ay doon ka. At saka dapat ka na ngang mag-asawa dahil nagkakaedad ka na. Kaila-ngang magkaanak ka na.’’

“Oo nga Bossing.’’

“E kailan ba ang kasal ninyo?”

“Gusto namin e sa sunod na buwan na Bossing. Tamang-tama sa summer.’’

“Sige, sana ay maging maligaya kayong dalawa.’’

“Bossing, isa ka sa ninong namin.’’

“Ganun ba? Sige.”

“Pagsasawain kita sa masarap na itlog ng itik, Bossing. Meron din kaming itlog na pula roon.’’

“Aba paborito ko ang itlog na pula. Sige, darating ako. Padalhan mo ako ng invitation.’’

“Opo Ninong.’’

Makaraang maayos ang pagreresign at ang pagbebenta ng mga kasangkapan at gamit, tinawagan ni Dick ang kanyang kuya sa Sydney. Gulat na gulat ang kanyang kuya sa ibinalita niyang magpapakasal na siya.

“Aba magandang balita ‘yan, Lampong!” sabi ng kanyang kuya na nagtatawa.

“Sa probinsiya na ako maninirahan, Kuya. Mayroon kaming negosyo roon nang magiging asawa ko.’’

“Anong business?”

“Itikan.’’

“Talaga?’’

“Malaki na ang negosyo, Kuya. Baka dumating ang araw e kami na ang nagsusuplay ng itlog ng itik sa buong Metro Manila.’’

“Wow! Congrats.”

“Salamat Kuya. Teka, hindi ka ba uuwi?”

“Uuwi ako! Matagal na rin tayong hindi nagkikita Lampong.’’

“Sige Kuya, hihintayin kita.’’

Nang mga sandali namang iyon, isang anino ang lihim na nakamatyag sa bahay ni Jinky. Walang kamalay-malay si Mulong na may lihim na nakasubaybay sa kanyang kilos. Natutulog na sina Jinky at Tina. (Itutuloy)

vuukle comment

JINKY

KUYA

LAMPONG

METRO MANILA

OPO NINONG

SALAMAT KUYA

SIGE

SIGE DICK

SIGE KUYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with