^

Punto Mo

Hindi Sila Nakakakita Pero Kahanga-Hanga ang Ginagawa

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG BULAG NA PAINTER – Inamin ni John Bramblitt na nawalan siya ng pag-asa at dumanas nang grabeng depression makaraang mabulag noong 2001. Nabulag siya dahil sa kumplikasyon ng epilepsy. Siya ay 30-taong gulang.

Hanggang sa masumpungan ni John na mayroon siyang talent sa pagpi-paint. Nagpi-paint siya sa pamamagitan ng pag-touch. Pinag-aralan niya ang lahat ng kulay. Sa pamamagitan ng paghipo, nalaman niya ang mga kulay at katangian nito. Ang puti ay makapal at ang itim ay malambot. Natutuhan din niya ang pag-mix ng mga kulay sa pamamagitan ng pag-touch.

Ang kanyang art ay nakilala sa ibang bansa. Maraming works niya ang nabili sa may 20 bansa. Nakatanggap siya ng mga recognition kabilang ang “Most Inspirational Video of 2008” mula sa YouTube at tatlong Presidential Service Awards dahil sa kanyang innovative art workshops.

• • • • • •

ANG BULAG NA SURFER — Ipinanganak si Derek Rabelo na isang bulag. Mayroon siyang congenital glaucoma. Ganunman, hindi ito naging hadlang kay Derek para gumawa ng mga kamangha-mangha --- at isa na rito ang pagsa-surfing. Mula noong tatlong taong gulang si Derek ay nag-aral na siya ng surfing.

“Lahat ay possible kung naniniwala ka sa Diyos. Maaring makagawa ng mga bagay kahit may kapansanan,’’ sabi ni Rabelo.

Kahanga-hanga si Ravelo na sa kabila na kulang siya sa paningin, nagagawa niyang makapag-surf sa mababagsik na alon na kagaya ng ibang normal na tao.

DEREK

DEREK RABELO

DIYOS

GANUNMAN

JOHN BRAMBLITT

MOST INSPIRATIONAL VIDEO

PRESIDENTIAL SERVICE AWARDS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with