^

Punto Mo

EDITORYAL - Baha sa ‘tuwid na daan’

Pang-masa

NANG bumaha noong Lunes ng hapon sa mara-ming lugar sa Metro Manila, grabeng trapik ang naranasan sa pangunahing lansangan. Halos limang oras ang trapik sa EDSA at Ortigas Avenue. Bumaha sa tapat ng Camp Aguinaldo at sa Ortigas kaya hindi makausad ang mga sasakyan. Hindi rin makausad sa Magallanes flyover ang mga sasakyan. Nagmistulang malaking parking area ang EDSA at maraming lugar sa Metro Manila.

Perwisyong baha na hindi masolusyunan ng mga kinauukulan. Ang masaklap ay hindi malaman kung sino ang sisisihin sa mga pagbaha. Nagpatawag ng meeting si President Aquino para malaman ang dahilan ng pagbaha at kung paano ito masosolusyunan. Pero tila walang nabuong mainam na paraan o mga gagawin sa nangyaring meeting. Sa meeting din na iyon tila inabsuwelto pa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nangyaring pagbaha. Kung tutuusin, malaki ang pananagutan ng DPWH sa mga pagbahang nangyayari sapagkat hindi pa natatapos ang inumpisahang drainage projects. Maraming nakatiwangwang na proyekto ang DPWH na sinimulan pa noong Marso pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos. Dahil hindi tapos ang mga hinukay na imburnal, wala pang naihuhulog o nailalagay na culvert para maging maayos ang daloy. Sa halip, sa kalsada naiistak ang tubig.

Ang pagbaha sa España St., Laon-Laan, Dapitan, Blumentritt at maraming lugar sa Sampaloc ay maisisisi rin sa mga drainage na barado. Hindi ganap ang paglilinis ng DPWH sa mga drainage. Maaaring mga bato, graba at basurang plastic  ang nagpapabara sa mga drainage. Matagal nang panahon ang problemang baha pero hanggang ngayon ay problema pa rin.

Hindi ba magkakaroon ng mahusay na plano ang DPWH sa problemang baha? Hanggang kailan magtitiis ang mamamayan (particular ang taga-Metro Manila) sa perwisyong baha. Planuhin sana ng DPWH ang lahat para naman hindi bumaha sa “tuwid na daan”.

BLUMENTRITT

BUMAHA

CAMP AGUINALDO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

METRO MANILA

ORTIGAS AVENUE

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with