^

Punto Mo

Hindi Sila Nakakakita Pero Kahanga-Hanga ang Ginagawa

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG BULAG NA OLYMPIC RUNNER – Si Marla Runyan ang kauna-unahang Olympic runner na babaing bulag. Kahanga-hanga ang kanyang ipinamalas na bilis. Parang walang kapansanan sa mga mata.

Nabulag si Marla noong siya ay 9-na taong gulang. Nagkasakit siya ng Stargardts Disease, isang uri ng macular degeneration. Mula noon hindi na siya nakakita. Pero hindi naging hadlang kay Marla ang kapansanang iyon. Lalo pa siyang nahamon.

Noong 1987, nag-aral siya sa San Diego State University at doon siya nakipagpaligsahan sa iba’t ibang sports events. Noong 1992, lumahok siya sa Summer Paralympics kung saan apat na gold medals ang napanalunan niya.

Noong 1996 Paralympics sa Atlanta, nakasungkit siya ng silver sa shot put at gold sa pentathlon event.

Sa mga natamong karangalan, lalo pa siyang na-challenge na sumali sa malalaking running events. Noong 1999, sumali siya sa Pan American Games, kung saan nanalo siya sa 1,500-meter race. Sumunod na taon, pangwalo siya sa 1,500-meter sa 2000 Sydney Olympics. Siya ang kauna-unahang legally blind athlete na nakipagpaligsahan sa Olympics at nakakuha nang highest finish event.

Noong 2002, inilabas niya ang kanyang auto­biography na may title “No Finish­ Line: My Life As I See It”. Nang taon ding iyon, ikinasal sila ng kanyang coach na si Matt Lonergan.

MARLA

MATT LONERGAN

MY LIFE AS I SEE IT

NO FINISH

NOONG

PAN AMERICAN GAMES

SAN DIEGO STATE UNIVERSITY

SI MARLA RUNYAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with