^

Punto Mo

Hindi sila nakakakita pero kahanga-hanga ang ginagawa

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG BULAG NA DRIVER— Limang taong gulang si Mark Anthony Riccobonno nang mawalan ng paningin. Hindi na siya umasa pang makakakita. Pero hindi naging hadlang kay Mark Anthony ang kapansanan para mawalan ng pag-asa. Nagpatuloy siya hanggang sa makagawa nang kahanga-hanga at isa rito ay ang pagmamaneho. Yes! Nagmamaneho siya kahit hindi nakakakita!

Noong Enero 29, 2011, minaneho ni Mark Anthony ang isang Ford Escape sa Daytona International Speedway. Nagawa niya iyon sa tulong ng dalawang technologies: una ay ang DriveGrip kung saan ang suot niyang gloves ay nagse-send ng vibrations sa kanyang kamao kung kailan niya ililiko ang sasakyan at ang ikalawa ay ang SpeedStrip, isang bagay na naka-strap sa kanyang binti na nagsi-signal kung kailan siya dapat mag-aaccelerate at kung gaano kabilis.

Aktibo si Mark Anthony sa National Federation of the Blind. Nagbibigay siya ng lecture sa mga kapwa bulag. Ipinaliliwanag niya na ang mga bulag ay maaaring maging bahagi ng lipunan. Sinabi niya na maaaring makapag-drive ang tulad nilang bulag sa pamamagitan ng bagong technology. 

ANG BULAG NA PHOTOGRAPHER – Nagkasakit si Pete Eckert ng tinatawag na retinitis pigmentosa. Ito ang dahilan ng kanyang pagkabulag. Bago nabulag, bihasa siya sa sculpture at industrial design. Plano sana niyang mag-aral sa Yale University kung hindi nagkasakit at nabulag.

Ang nakamamangha, sa kabila ng pagiging bulag, nakahiligan niya ang photography. Nakakapag-shoot siya gamit ang kanyang Mamiyaflex TLR. Ayon kay Pete, bini-visualizes muna niya ang image na gusto niyang mabuo sa isipan at pagkatapos ay gagamitin niya ang kanyang senses (sound, touch, at memory) para makalikha ng photograph. Kung kaya raw niya, makakaya rin ito ng katulad niyang bulag.

 

DAYTONA INTERNATIONAL SPEEDWAY

FORD ESCAPE

IUML

MARK ANTHONY

MARK ANTHONY RICCOBONNO

NATIONAL FEDERATION OF THE BLIND

NIYA

NOONG ENERO

PETE ECKERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with