Isang oras at kalahati na namalagi sa langit
MARAMI nang nalathalang pangyayari ukol sa mga naÂmatay at muling nabuhay. May nagsabing nakarating sila sa pintuan ng langit pero muli silang nagbalik at nagkaroon muli ng buhay.
Isa si Rev. Don Piper ng Pasadena, California sa nakaranas nang ganitong kakaibang karanasan,. Pero hindi gaya ng iba na bumilang lamang ng ilang minuto bago nagkaroon muli ng buhay, si Piper ay isang oras at kalahati na namalagi sa langit makaraan ang malagim na aksidente noong 1989. Dineklara na siyang patay ng medics na sumaklolo.
Ayon kay Piper, minamaneho niya ang kanyang sasakyan nang isang 18-wheeler truck ang biglang bumangga sa kanya. Kinain ng truck ang lane sa opposite direction at bumangga sa kotse ni Piper.
Dumating ang saklolo. Nahirapang maalis si Piper sa sasakyang nagkayupi-yupi. Nang pulsuhan siya ng paramedics, napailing ang mga ito dahil patay na siya. Ayon kay Piper imposibleng may mabuhay sapagkat naipit siya ng manibela at nabagsakan ng bubong.
Ayon kay Piper, isang oras at kalahati siyang walang pulso. Nakalatag daw ang kanyang katawan sa kalsada hanggang isang taong naglalakad ang sumambit ng dasal at kumanta.
Ayon kay Piper, hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadama. Napakaganda raw ng musikang narinig niya roon. Napaka-spectacular. Napakasarap din nang nalanghap na aroma. Noon lamang daw siya nakaamoy nang ganun kasarap.
Ang lubos niyang pinagtataka ay sinalubong siya ng kanyang lolo at iba pang kakilalang namatay na. Nakatayo raw ang mga ito sa isang malaking gate na mayroong mga ilaw na titibuk-tibok.
Isang oras at kalahati na walang pulso si Piper bago nagbalik sa normal na buhay. Ilang dosenang operasyon ang ginawa sa kanya para maibalik ang nabaling buto.
Hanggang ngayon naaalala pa ni Piper ang hindi malilimutang karanasang iyon. Dahil doon sumulat ng isang libro si Piper ukol sa naranasang trauÂma. Sa mensahe ni Piper, siguro raw ay pinabalik siya ng Diyos para maikalat na totoo ang hea-ven. (www.oddee.com)
- Latest