^

Punto Mo

Mga kamangha-manghang sanggol na nakaligtas sa kamatayan (6)

- Arnel Medina - Pang-masa

7-BUWANG SANGGOL, BINARIL NG SARILING MGA MAGULANG SUBALIT NAKALIGTAS – May mga magulang na nagagawang patayin ang sarili nilang mga anak. Dito sa Pilipinas, may mga kaso na kaya pinatay ng kanyang ama o ina ang kanyang anak ay dahil sa wala silang makain. Sagad daw sa kahirapan ang buhay. Mayroon naman na pinatay ang anak dahil nagalit sa kanyang asawa. Iba-iba ang uri ng pagpatay. Mayroong nilalason ang anak at pagkatapos ay siya naman (ina o ama) ang iinom ng lason. Sa America, mayroong pangyayari na pinatay ng isang ina ang anak sa pamamagitan ng paglunod dito sa loob ng kotse. Inilusong ang kotse sa isang creek.

Subalit kakaiba ang nangyari sa Argentina kung saan naisipang patayin ng mag-asawa ang kanilang mga anak dahil magugunaw na raw ang mundo. Mas maganda raw kung magsama-sama na silang mag-anak.

Lumikha nang malaking balita sa Argentina ang ginawa nina Francisco Lotero at Miriam Coletti nang pagbabarilin  ang dalawang anak at pagkatapos ay sila namang mag-asawa ang nagpakamatay.

Binaril nila sa likod ang dalawang taong gulang na anak na lalaki. Sinunod na binaril ang pitong buwang sanggol na tinamaan sa dibdb. Pagkatapos ay itinutok ni Francisco sa ulo ng asawa ang baril at kinalabit. Pagkatapos ay siya naman ang nagbaril sa sentido.

Tatlong araw ang nakalipas, isang kapitbahay ang nagreport sa mga pulis ukol sa napakabahong amoy na nanggagaling sa bahay nina Francisco. Agad na siniyasat ang bahay at natagpuan ang naa-agnas na bangkay nina Francisco, Miriam at dalawang taong gulang na batang lalaki. Ang sanggol ay buhay na buhay sa kabila na may tama ng bala sa dibdib.

Ang lalo pang pinagtaka sa sanggol, sa kabila na may sugat ay nakatagal ng tatlong araw na walang pagkain at tubig. Agad dinala sa ospital ang sanggol. Makaraan lamang ang ilang araw, mabuti na ang kalagayan ng sanggol.

vuukle comment

ANAK

BINARIL

DITO

FRANCISCO LOTERO

INILUSONG

LUMIKHA

MAKARAAN

MIRIAM COLETTI

PAGKATAPOS

SA AMERICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with