Twist
LAGYAN ng “twist†ang paraan ng paghahanda ng pagkain upang hindi ito “boring†kainin.
SPAM
ï€ Hiwain ng manipis. Isawsaw sa brown sugar bago iprito.
Iprito sa mahinang apoy upang hindi masunog. Mas masarap kung medyo tustado.
HOTDOG
Habang niluluto sa mantika, budburan ang hotdog ng banana catsup at white sugar. Puwedeng barbecue sauce ng Mama Sita ang gamitin sa halip na catsup.
ï€ Dalasan ang pagbaliktad sa mga piraso ng hotdog upang pantay na ma-distribute ang sauce.
Mani na pangbudbod sa fresh lumpia
May isang kainan sa Quiapo kung saan fresh lumpia lang ang kanilang isinisilbi sa kostumer. Ito ay ang sikat na Globe Lumpia House sa Raon. Maliit lang ang lugar kaya minsang dinayo ko ito, nagpa-take out na lang ako dahil maraming kostumer ang naghihintay ng bakanteng upuan. Mineral water at softdrinks lang ang tinda nila bukod sa lumpia na 16 pesos bawat piraso.
Pinanood ko ang pagbabalot nila ng lumpia na aking inorder. Tinitigan ko rin ang hitsura ng nakadispley sa istante: brown sauce, dinikdik na mani at mismong lumpiyang gulay. Base sa aking obserbasyon, may kahalong brown sugar ang dinikdik na mani na pangbudbod nila. Naamoy ko na roasted ang mani, medyo tustado kaya mabango. Ito ang dahilan ng kakaibang sweetness at peanut flavour ng kanilang lumpia.
Kaya next time na magluluto kayo ng fresh lumpia, ganito ang gawin sa maning pangbudbod: Isangag ang mani sa kawali. Tustahin (hindi sunugin) para maging matapang ang flavour. Haluan ng brown sugar habang dinidikdik ito. Kung walang oras para gawin ito, bumili ng peanut bar sa supermarket. Ito ang gamiting pambudbod. Ang peanut bar ay mula sa matamis na dinikdik na mani. Enjoy your lumpia!
- Latest