^

Punto Mo

P800 thou take-home ng Calabarzon police sa bookies ng STL

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

IPINASARA ni Calabarzon police director Chief Supt. Pompom Estipona ang lahat ng color games at iba pang sugal sa mga pergalan sa Southern Luzon. Pero hindi pa dapat palakpakan ang aksiyon ni Estipona mga kosa dahil mukhang may pinipili lang siya. Para masigabo ang pagpalakpak kay Estipona, kailangan pati mga bookies ng Small Town Lottery (STL) at mga sugal lupa tulad ng video karera, bookies ng karera, lotteng at ending ay ipasara rin niya, di ba mga kosa? Kung sabagay, kung totoo ang kumakalat na balita na P800,000 ang take-home ng Calabarzon police sa bookies ng STL at P400,000 naman kada linggo sa sugal lupa, sa tingin ko hindi pa nasisiraan ng bait si Estipona para ipasara ang mga ito. At dahil mga sugal lang sa pergalan ang sarado, tuloy pa rin ang pag-iikot ng mga tong kolektor na sina Dodjie Lasierda, Ryan Lorenzo at Romy Tolentino alyas Django sa mga pasugalan at beerhouses sa Calabarzon area. Get’s nyo mga kosa?

Kaya naman pala ipinasara ni Estipona ang mga sugal sa pergalan dahil sa kaliwa’t kanang batikos sa liderato niya ng mga katoto natin. Sumemplang ata si alyas Mely sa kalakaran niya sa mga “kinaukulan” kaya hayun inulan siya ng batikos at hindi natiis ni Estipona na i-pad­lock na lang ang negosyo nila. Si Mely kasi ang nangongolekta ng lingguhang payola sa kapwa niya financiers ng sugal sa mga pergalan at nakalimutan n’yang i-turnover ang perang nalagak niya. Kaya inabot silang lahat ng kidlat ni Estipona. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Magbubukas lang ang mga sugal sa pergalan kapag naiabot na ni Mely ang pagkukulang niya. Subalit sira na si Mely at maaring mawala na rin sa kanya ang dating papel niya. He-he-he! Kanya-kanyang gimik lang yan!

At mukhang nalaos na rin ang kampanya ni CIDG director Chief Supt. Frank Uyami kung itong full-blast na operation ng pasugalan sa Calabarzon ang gagawing basehan. Kasi noong kasagsagan pa ng “no take, no contact” policy ni Tsunami... este Uyami pala...  ang mga sugal sa pergalan at bookies ng STL, at mga sugal lupa sa Calabarzon area ay halos sarado na. Subalit habang nagsisigaw si Uyami na itutuloy nila ang kampanya laban sa pasugalan, aba bakit nagbukasan naman sila? Ang ibig kong sabihin mga kosa, bakit halos wala nang takot ang mga gambling financiers sa CIDG? Kung sabagay halos inamin ni Uyami na ang ibang unit ng CIDG ay patong na sa pasugalan. At ang Anti-Fraud at CIDU ay attempting pa lang na mangolekta, ani Uyami sa nakalipas niyang command conference sa Camp Crame. Subalit hindi binabanggit ni Uyami ang SRU ni Supt. Ariza na nagpapairal ng “no talk” sa pakikipag-usap nila sa gambling lords. Ang ibig kong sabihin mga kosa, take nang take ng weekly payola itong tropa ni Ariza subalit mangri-raid sila kapag may nag-ingay sa ginagawa nila. Win-win situation ang tropa ni Ariza dito dahil hindi maarok ni DILG Sec. Mar Roxas ang sistemang ito. Hanggang kailan kaya maitago ni Ariza ang tong collection activities nila kay Roxas? Abangan!

ARIZA

CALABARZON

CHIEF SUPT

ESTIPONA

MELY

SUBALIT

SUGAL

UYAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with