5 Hindi Inaakalang Dahilan ng Pagtaba
1. Kulang sa tulog. Ang katawan ay nakakapag-ipon ng maraming taba kapag nagkukulang sa tulog at nakakaranas ng physiological stress. Pagsikapang makatulog ng 8 oras gabi-gabi.
2. Sobra ang stress na nararanasan. May kinalaman ang stress sa biochemical process ng ating katawan. Kapag stress ang isang tao ay bumabagal ang kanyang metabolism na nagiging dahilan upang maipon ang taba sa bandang tiyan. Idagdag pa rito, ang tendency ng “stress eaters†ay kumain ng “starchy foods†dahil sa calming effect nito.
3. Iniinom na gamot. Ang prescription drugs para sa depression, mood disorders, seizures, migraines, blood pressure, at diabetes ay nakakataba. Kadalasan, hanggang 10 pounds per month ang nadadagdag sa timbang.
4. Medical condition. Ang pasyente ng hypothyroidism ay tumataba dahil nakakapagpabagal ng metabolism ang deficiency sa thyroid hormone.
5. Menopausal stage. Kapag dumating sa ganitong estado ang isang babae, bumabagal ang kanyang metabolism dahil hindi na siya gaanong aktibo kagaya noong bata pa. Ang hormonal changes na nangyayari sa kanya ang nagiging dahilan para maging magutumin, malungkutin at nahihirapang makatulog.
- Latest