^

Punto Mo

Lampong (323)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SINABI yun sa iyo ni Tanggol, Mulong?” tanong ni Jinky.

“Opo. Noon pang nagbabantay kami sa itikan ay sinabi na niya ang pag­hanga sa iyo. Hindi lamang siya makapagtapat kasi nga, malayo ang agwat n’yo… ikaw ang may-ari at siya ay isa lamang tauhan­…”

Napatungo si Jinky. Naalala niya ang ginawang pagliligtas sa kanya ni Tanggol noon. Niligtas siya sa dalawang lasing habang naliligo siya sa ilog. Hindi niya iyon malilimutan. Itinaya ni Tanggol ang buhay para siya mailigtas.  At ngayon nga ay niligtas siya kay Pac. Muntik na siyang mapahamak kung hindi nailigtas ni Tanggol. Kaya pala ganoon na lamang ang pagmamalasakit ni Tanggol sa kanya ay dahil may itinatago pala itong damdamin sa kanya. Halos nagkakapareho ang nararamdaman nila. The feeling is mutual.

“Mam Jinky, pakiusap po huwag mong sasabihin kay Tanggol na sinabi ko ang lihim niya. Baka po magalit sa akin ang kaibigan ko.’’

Nagtawa si Jinky.

“Huwag kang mag-alala, Mulong. Hindi ko  sasabihin kay Tanggol ang ipinagtapat mo. Tayong dalawa lang ang nakaaalam.’’

“Salamat po, Mam.’’

“Sana ay makita na natin at makausap si Tanggol.”

“Ano po ang sabi ng doctor?”

“Maayos na raw ang ka­lagayan pero hindi pa maaring kausapin dahil sa sugat sa ulo.”

“Siguro po bukas ay maaari na siyang ka­usapin.”

“Depende sa sasabihin ng doctor.”

“Ang mabuti pa po Mam ay uuwi na kami ni Tina para may tao sa bahay mo. Ikaw na lang po ang magbantay kay Tanggol.”

“Sige, Mulong. Kayo na muna ni Tina ang bahala sa bahay.”

Umalis na sina Mulong.

KINABUKASAN, si­nabi ng doctor na maaari nang kausapin si Tanggol. Sabik na sabik si Jinky. Nagtungo siya sa silid ni Tanggol.

Nakatalikod si Tanggol nang maratnan niya.

“Tanggol!” Tawag niya.

(Itutuloy)

ANO

HUWAG

IKAW

JINKY

MAM JINKY

MULONG

SIYA

TANGGOL

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with