^

Punto Mo

Kailan nagiging ‘Honest’ ang isang tao?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NEXT time na naghahanap ka ng honest answer, i-text mo ang iyong katanungan sa taong nais mong hingan ng opinyon. Ito ang natuklasan sa pag-aaral na ginawa ng University of Michigan Institute for Social Research—Ang mga tao ay mas honest sa pagbibigay ng kanilang opinyon kung ite-text sa kanila ang  katanungan. At hindi lang honest answer ang iyong makukuha, may tendency pa sila na magbigay ng mas detalyadong sagot.

Halimbawa, kinunan ng picture ni Misis ang bestidang plano niyang bilhin via cellphone at ipinadala niya ito kay Mister with matching text na: Babagay kaya ito sa akin? More or less ay ganito ang magiging sagot ni Mister ay—Oo, babagay ‘yan sa iyo at mas lalong mapapansin ang kurbada ng iyong katawan versus sa napaka-ikling sagot na: Okey lang kung magta­tanungan kayo nang magkaharap.

Ang mga researchers ay gumawa ng dalawang katanungan: 1) Gaano ka kadalas mag-exercise; 2) Ilang pelikula ang iyong napanood noong nakaraang buwan. Itinanong nila ito sa 600 iPhone users. Mayroong nakatanggap ng tanong sa pamamagitan ng text at mayroong tinanong nang personal. Sa pangkalahatan, mas maganda ang naging kasagutan ng respondents na tinanong sa pamamagitan ng text kaysa naging kasagutan ng respondents na tinanong nang personal.

Napag-alaman ng mga researchers na mas honest at detalyado­ ang nagiging kasagutan sa tanong kapag ito ay ginawa sa pamamagitan ng texting dahil nakakapag-isip na mabuti ang respondents. Mayroon siyang sapat na oras para i-com­pose ang kanyang isasagot. Samantalang kung impromptu at personal ang pagtatanungan, nagiging maikli lang ang sagot kaya nababawasan ng “sincerity” dahil walang sapat na oras para makapagmuni-muni ang respondents.

BABAGAY

GAANO

HALIMBAWA

ILANG

ITINANONG

MAYROON

SOCIAL RESEARCH

UNIVERSITY OF MICHIGAN INSTITUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with