Lampong (322)
NADULAS si Mulong sa pagsasalita ukol sa paggupit sa buhok ni Tanggol. Nagtaka si Jinky.
“Anong mabubuking si Tanggol?’’
“A e kuwan po, Mam Jinky, ang ibig kong sabihin ay mabubuking na ang itinatagong kaguwapuhan ng aking kaibigan.’’
Bahagyang napatawa si Jinky. Ngayon lang siya napatawa makaraan ang ilang araw na kalbaryo sa kamay ng demonyong si Pac.
“Akala ko’y kung anong mabubuking kay Tanggol. Ikaw talaga, Mulong, pinakakaba mo ako.’’
Kakamot-kamot naman kunwari sa ulo si Mulong. Pero sa isip niya, muntik na niyang maibuking ang lihim ni Tanggol. Para hindi maghinala, patuloy na inaÂlam ni Mulong ang nangyari kay Tanggol.
“Paano po ba nabaril si Tanggol, Mam Jinky?’’
“Nag-agawan sila sa baril.â€
“Baril po nino, Mam Jinky.’’
“Baril ni Pac. Mayroon pa palang nakatagong baril sa kanyang baywang si Pac at iyon ang ginamit. Masyadong tuso ang taong iyon. Maski ako ay nagulat na mayroon pa palang baril ang demonyo. Nang mag-agawan sila sa hagdan, nabagok naman ang ulo ni Tanggol at iyon ang sinamantala ni Pac, kinalaÂbit ang baril at tinamaan si Tanggol. Ang ikinahanga ko kay Tanggol kahit na may sugat siya ay malakas pa rin ang loob na labanan si Pac. Nasalo niya ang Kamagong na inihagis ko at iyon ang ginamit kay Pac. Walang patlang ang paghataw niya kay Pac…hanggang sa hindi na kumilos…â€
“Pero buhay pa po si Pac nang dumating ang PDEA. Nang-agaw pa nga ng baril…’’
“Mabuti naman at wala na pala ang taong iyon.’’
“Oo nga po. Salot po ang taong iyon lalo na sa mga kabataan.’’
“Mabuti na lang at dumating si Tanggol nang mga sandaling may gagawin sa aking masama si Pac. Talagang niligtas ni Tanggol ang buhay ko. Kaya nga nasabi kong mahal na mahal ko siya…â€
“E, Mam Jinky mayroon po akong sasabihin sa’yo.â€
“Ano yun, Mulong?â€
“Si Tanggol po ay…â€
“Ay ano Mulong?â€
“Malaki rin po ang pag-ibig niya sa’yo.’’
Hindi makapaniwala si Jinky sa narinig.
(Itutuloy)
- Latest