^

Punto Mo

Maliit at balahibuhing creature nakita sa isang school sa Botswana

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TAKOT na takot ang mga batang estudyante sa Mathiba Primary School sa Maun, Botswana sapagkat isang maliit at balahibuhing creature ang kanilang nakita sa compound ng school. Pawang mga bata ang nakakita sa creature na umano’y palakad-lakad doon. Wala namang nakita ang mga guro. Gayunman, nagpasya ang pamunuan ng school na suspendihin ang klase.

Ayon sa report, dakong alas-dose ng tanghali nang magkagulo ang mga estudyante sa­pagkat isang maliit at balahibuhing nilikha na kahawig ng tao ang kanilang nakita.

Lahat ng mga estudyanteng nakakita sa balahibuhing nilik­ha ay dinala sa clinic sapagkat pawang na-shock. Ayon sa isang school official, nagsagawa sila ng pagdarasal upang mapalayas ang creature. Hihingi rin daw sila ng tulong sa professional counsellor. Ayon naman sa isang guro, baka na-stress lang ang mga estudyante sapagkat malapit na ang exam.

 

UFO nakita sa London’s airport

 

DALAWANG hugis plato o “silver discs” ang nakitang lumilipad sa kapaligiran ng London’s Gatwick Airport. Ang eksaktong lugar na kinakitaan sa “silver discs” ay malapit sa headquarters ng UK Church of Scientology.

Ayon sa tatlong piloto na nakakita sa “silver discs, palapag na sila sa Gatwick Airport nang makita ang kakaibang bagay. Ayon sa mga piloto, dalawang flat na discs ang nakita nilang paikut-ikot sa airport. Sabi ng tatlong piloto, pababa na ang kanilang Boeing 777 nang makita ang mga “silver discs”.  Umano’y nasa ilalim ng Boeing (mga 100m) ang kakaibang bagay.

Mayroon namang nagsabi na maaaring balloons, saranggola at iba pang katulad na lumilipad ang nakita ng mga piloto.

 

Dalawang matandang babae sa Zimbabwe, pinatay dahil kinulam ang mga bata

 

DALAWANG matandang babae ang pinatay sa isang village sa Zimbabwe dahil sa paratang na kinulam ng mga ito ang mga bata sa lugar. Ang dalawa ay sina Jersey Mutero, 83, at Erita Bhebhe, 73,

Ipinatawag umano ng isang shaman ang dalawang matanda para gamutin ang isang batang maysakit. Habang nagpi-perform ang dalawang matanda sa harap ng batang maysakit, pinainom sila ng umano’y holy water. Agad namang ininom ng dalawa ang tubig.

Makaraang inumin ang holy water, agad nag-collapsed ang dalawang matanda at nangisay. Namatay ang dalawang matanda.

Nang imbestigahan ang pangyayari, natuklasan na nilason ang dalawa ng shaman. Umano’y pinagbintangan na mangkukulam ang dalawa at sila ang may kagagawan kaya nagkasakit ang mga bata sa village. Hina-hanap ng mga pulis ang shaman.

AYON

CHURCH OF SCIENTOLOGY

DALAWANG

ERITA BHEBHE

GATWICK AIRPORT

ISANG

JERSEY MUTERO

MATHIBA PRIMARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with