Balik-eskuwela sa private schools, handa na rin ba?
Isang Linggo nang nagsimula ang klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa, ngayon naman sasabak na rin ang mga nasa pribadong paaralan.
Tiyak na talaga ngayon ang magiging trapik sa buong Ka-lakhang Maynila, dito na talaga mararamdaman ang matindi na namang pagbubuhol ng mga sasakyan sa lansangan.
Kung hindi pa ito lubhang nadama noong nakalipas na isang linggo, abay asahan na ngayon ang pagdidilim ng mga sasakyan sa mga kalsada sa kapuluan.
Sana nga lamang wag nang makadagdag pa ang mga ginagawang paghuhukay sa ibat ibang lansangan para wag nang dumagdag sa pagdurusa ng mga motorista at magpapasukang mga mag- aaral.
Pero higit sa lahat na inaasahang napaghandaan ay ang seguridad na ibibigay ng mga kinauukulan lalu na ng ating kapulisan.
Hindi lang naman ang mga banta ng mga elementong criminal ang dapat mabantayan dito, kundi gayun din ang sinasabing pagtindi ng mga insidente sa bullying.
Hindi nga bat kabubukas lang ng klase noong isang lingo, isang high school student na naman ang sinasabing naging biktma ng karahasan na bagamat nangyari ang insidente sa labas ng paaralan sa Taguig, alarming pa rin ito sa maraming mga magulang .
Hindi lang mga awtoridad ang dap at na matawagan ng pansin ukol dito, kundi maging ang mga opisyal at security na rin sa mga paaralan.
Kailangan kasi ang masu-sing pagmo-monitor sa kaniÂlang mga estudyante, kaya kung sa loob ng iskul eh nagkakaroon na ng iringan doon pa lamang sana eh maaksiyunan na at magawan na ng kaukulang aksyon at hindi na lumala pa.
Kung paano sana naging smooth ang pagbubukas ng klaÂse noong nakalipas na linggo sa mga pampublikong paaralan, ganun din sana ang maipatupad sa pagbubukas ng klase sa mga pribadong paaralan.
- Latest