10 epektibong paraan para makatulog agad
Iwasang gumawa ng mga bagay na makapagpapagulo ng isipan 45 minutes bago matulog. Halimbawa, e-mail, texting o tsismisan.
Itigil ang panonood ng TV, 35 minutes bago matulog.
Magdasal habang nakahiga at hintayin mong antukin ka.
Magpatugtog ng paborito mong love songs na malumanay ang beat.
Mag-inhale at exhale ng 10 minuto.
Mag-shower gamit ang maligamgam na tubig.
Itigil ang pag-iisip tungkol sa mga problema, sa halip, isa-isahin ang mga lugar na gusto mong pasyalan kapag may pagkakataon.
Gawing sleep friendly ang iyong bedroom: Bagong palit lagi ang mga punda, bedsheet, kumot. Kumportable ang kama—malambot pero firm ang foam. Yun bang hindi ka lumulubog sa sobrang lambot. Hindi makalat ang paligid.
Kung may extra budget, bumili ng diffuser kung saan inilalagay ang medical grade essential oil upang kumalat ang mabangong amoy. Ang paglanghap ng mabangong amoy kagaya ng lavender, petit grain, geranium, chamomile, sandalwood at rose ay nakakapagpa-relax ng isipan.
Mag-exercise ng 45 minutes tuwing umaga o 3 oras bago matulog.
7 Paraan Upang Maging Positibo
1. Magbasa araw-araw ng positive quotation.
2. Makinig ng awiting nagbibigay sa iyo ng inspirasyon.
3. Sa halip na manood ng TV, mag-daydreaming ng magagandang bagay.
4. Pagkagising sa umaga, magsabi ka ng magandang bagay tungkol sa iyong sarili.
5. Gumawa ng wish list at idispley sa pader ng iyong bedroom.
6. Mag-pokus sa kasalukuyang nangyayari sa iyong buhay. Kalimutan ang nakaraan. Isingit minsan ang hinaharap.
7. Matutong pahalagahan ang maliliit na bagay. Halimbawa, minsan ay bumili ako ng ice cream pagkatapos kong mag-jogging. Umupo ako sa ilalim ng puno. Habang nilalantakan ko ang ice cream ay damang-dama ko ang simoy ng hanging nagpapalamig ng aking katawan. Sarap ng buhay! Try ninyong mag-jogging sa UP Diliman tuwing Linggo ng umaga. Enjoy talaga!
- Latest