^

Punto Mo

First-Aid Kit: Anong gamot ang kailangan?

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

MAY mga gamot na kailangan nang bawat pamilya. Puwede itong gamitin bilang first-aid sa bahay o puwede ring dalhin kung ika’y maglalakbay. Heto ang mga gamot na pangkaraniwang ginagamit:

Paracetamol 500 mg (6 tablets): Para sa lagnat, uminom ng Paracetamol 500 mg, 1 tableta kada 4 hanggang 6 na oras. Ang Paracetamol ay puwedeng inumin para sa sakit ng ulo o kirot ng katawan. Kung may bata sa bahay, bumili rin ng Paracetamol syrup para sa bata at Paracetamol drops para sa sanggol naman.

Mefenamic Acid 500 mg (4 capsules): Para sa matin-ding kirot ng katawan, puwedeng uminom ng Mefenamic Acid 500 mg, 1 capsule 2 o 3 beses sa maghapon. Inumin ang mefenamic acid pagkatapos kumain para hindi humapdi ang tiyan. Umiwas lang sa matagalang pag-inom nito (lampas sa ilang linggo) dahil puwede itong makaapekto sa ating bato.

Amoxicillin 500 mg (15 capsules): Para sa sari-saring impeksyon, madalas i-reseta ng mga doktor ang antibiotic tulad ng Amoxicillin 500 mg 1 capsule 3 beses sa maghapon. Dapat iniinom ang Amoxicillin ng 5 hanggang 7 araw para tuluyang mapuksa ang impeksyon. Ang antibiotic ay madalas ibigay sa mga sumusunod na karamdaman: namamagang tonsils, ubo madilaw ang plema, impeksyon sa ihi (UTI), malaking pigsa o pamamaga ng gilagid. Kumonsulta sa inyong doktor. Isang paalala lamang: Kapag hindi ginamot ng antibiotics ang namamagang tonsils, puwede itong magdulot ng rheumatic heart disease, kung saan nasisira ang balbula (heart valves) ng puso at puwedeng umabot sa operasyon.

4.  Loperamide (3 tablets): Para sa matinding pagtatae, uminom ng 1 o 2 Loperamide cap- sules. Kumain din ng saging at uminom nang maraming tubig.

5. Loratadine 10 mg (2 tablets): Para sa mga allergies, puwedeng uminom ng Loratadine 10 mg, 1 tableta sa gabi bago matulog.

6. Magbaon din ng inyong regular o maintenance na gamot, tulad ng sa altapresyon, diabetes at sakit sa puso. Kung kayo ay maglalakbay, magdala ng sapat na gamot para hindi kayo maubusan sa ibang bayan.

Dalahin din ang inyong medical records. Hindi mo masabi at baka bigla mo itong kailanganin. Good luck po!

vuukle comment

AMOXICILLIN

ANG PARACETAMOL

DALAHIN

DAPAT

HETO

INUMIN

LOPERAMIDE

LORATADINE

MEFENAMIC ACID

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with