Ano’ng mabisang gamot sa diabetes?
KAPAG na-diagnose na meron tayong diabetes, takot ang pumapasok sa ating isip. Naiisip agad natin ang mga kumplikasyong kaakibat nito. Kadalasang naiisip natin ay panlalabo ng paningin o pagkabulag, pagkaputol ng paa, o pagsailalim sa tinatawag na dialysis dahil hindi na gumaganang maigi ang bato. Marami na kasi tayong narinig na ganitong kuwento tungkol sa mga napabayaang kaso ng diabetes. Kaya mahalagang tutukan ang gamutan at pagmo-monitor sa ating blood sugar.
Maraming factors ang dapat ikunsidera sa pagpili ng pinakamaÂbuting gamot para sa diabetes. Katulong natin ang ating mga doctor sa pagdedesisyon. Ang mga taong may Type 2 diabetes na overweight ay nagpupundar naman ng insulin mula sa kanilang lapay (pancreas) pero hindi nakaka-respond nang maayos ang kanilang muscle cells at fat cells bukod sa patuloy pa sa paggawa ng sobrang glucose ang kanilang atay. Para sa ganitong kaso, mabisa ang gamot na gaya ng Metformin bilang pangunang gamot dahil bukod sa maayos ang control ng blood sugar, hindi rin ito nagdudulot nang pagtaba.
Mabisa naman ang gamot na “sulfonylureas†gaya ng Glipizide o Glyburide para sa mga diabetikong hindi sapat ang ipinupundar na insulin ng katawan. May mga diabetikong agad namang tumataas ang blood sugar hustong makakain. Dito’y mabisa ang gamot na “acarbose.†Dapat isaisip ang mga factors na ito sa pagpili ng gamot kontra-diabetes na gagamitin. Totoong napakaraming gamot laban sa diabetes sa merkado ngayon para makontrol nang maayos ang level ng blood sugar pero mahalaga ring isaalang-alang ang presyo ng gamot, kung ilang beses itong iinumin sa araw-araw, at ang posibleng side effects nito. Kung mabisa nga ang gamot pero mahal naman, hindi rin magiging regular ang pag-inom nito.
Ang unang hakbang sa paggamot ng type 2 diabetes ay tamang diet kakambal ang ehersisyo para maabot ang tamang timbang. Idinadagdag natin ang gamot sa diet at ehersisyo kung sumosobra ang blood sugar natin sa rekomendadong level. May mga taong nakokontrol ang kanilang blood sugar level dahil sa kanilang diet at ehersisyong ginagawa kahit walang gamot na iniinom. Pero mas maraming tao ang mangangailangan ng tulong ng gamot kontra-diabetes.
Kadalasan, isa lang ang kakailanganing gamot sa diabetes. At ginagamit natin ang pinakamaliit na dosis para makuha ang “desired blood sugar range.â€
Lahat nang gamot kontra-diabetes ay dapat may katambal na tamang diet. Kung tinitingnan nating maigi ang ating diet, at naglalaan tayo ng sapat na panahon para mag-ehersisyo (kahit 3 beses isang linggo, sa loob ng 30 minuto kada ehersisyo), sapat na ang mabisang dosis ng isang klase ng gamot para makontrol ang diabetes.
- Latest