^

Punto Mo

EDITORYAL - Protector ng mamamayan o ng shabu lab?

Pang-masa

M OTTO ng Philippine National Police ang “we serve and protect”. Katumbas nito sa Filipino ang “maglingkod at magsanggalang”. Ang mamamayan ang kanilang paglilingkuran at ipagsasanggalang. Pero sa mga kinasasangkutang illegal ng ilang miyembro ng PNP ngayon, hindi na ang mamamayan ang kanilang pinaglilingkuran at pinagsasanggalang. Ang kanilang pinaglilingkuran at pinagsasanggalang ay mga sindi­kato na gumagawa ng masasama at illegal --- sindikato ng droga, kidnappers, carjackers, holduppers, snatchers­ at marami pang iba.

Noong Miyerkules, hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang police colonel dahil sa pagprotekta niya sa isang shabu laboratory sa Naguilian, La Union. Bukod sa hatol na habambuhay pinagbabayad din ng Korte ng P1-milyon si Sr. Supt. Dionisio Borromeo. Makaraang hatulan ni Judge Ferdinand Fe ng Bauang La Union Regional Trial Court, sinibak si Borromeo bilang Deputy for Administration ng Cavite Police Provincial Office.

Ang pangyayaring ito ay isang malaking bahid sa PNP. Habang ang mga namumuno sa PNP ay sinisikap na pagbutihin at ilapit sa mamamayan ang mga pulis, may mga “bugok” naman na sinisira ang organisasyon. Habang maraming pulis ang sinisikap na gampanan ang tunay na tungkulin, sinisira naman ito ng ilan. Hindi nila pinahahalagahan ang kanilang sinumpaang tungkulin na magsisilbi at poprotektahan ang mamamayan --- bagkus, shabu lab ang kanilang binabantayan para sa sariling kapakanan.

Ang mga “scalawags” sa PNP ang dahilan kaya hindi malipol ang sindikato ng droga. May sasalakaying shabu lab ang mga mabubuti at straight na pulis pero nagtataka kung bakit wala silang matiklo. Iyon pala’y naitimbre na ng mga pulis na protektor ng sindikato.

Ang hatol sa pulis na si Borromeo ay maghatid sana ng aral sa iba pang pulis na gumagawa ng illegal lalo na ang pagprotekta sa mga salot na gumagawa ng shabu.

BAUANG LA UNION REGIONAL TRIAL COURT

BORROMEO

CAVITE POLICE PROVINCIAL OFFICE

DIONISIO BORROMEO

HABANG

JUDGE FERDINAND FE

LA UNION

NOONG MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with