‘Babae sa malamig na lugar’
GUMIGILING…naglilislis ng damit, tumatabi sa kostumerÂ. Ganito ang mundong iniikutan ng mga babaeng dinaig siya.
“Kaya siguro nagustuhan niya yun kasi magaling mang-angkit ng lalake,†wika ni Jeany Monteza o Jen, 41-taong gulang, nakatira sa Pasay nang magtungo siya sa aming tanggapan. Inirereklamo niya ang asawang si Apollo “Pol†Monteza, isang seaman, 39-taong gulang. Taong 1991 nang nagkakilala sila ni Pol sa Sta. Cruz, Manila. Habang nakatayo si Jen sa binabantayang produkto may isang lalaking tingin nang tingin sa kanya. “Pagkalapit nagpakilala siya kaagad. Tinanong niya kung saan ako nakatira at kung ano ang pangalan ko. Susunduin niya raw ako pagkatapos ng trabaho. Nag-aaral pa siya nun sa kolehiyo,†kwento ni Jen. Mula nang gabing yun madalas nang magkausap ang dalawa. Isang linggo ang lumipas naging magkasintahan sila. “Nagsimula kaming magpunta ng motel sa Pasay. Linggu-linggo na kami,†ayon kay Jen.
Dahil dito mabilis na nabuntis si Jen. Nagpakasal sila ni Pol noong May 17, 1991 sa Pasay City Hall kay Rev. Generoso Esteban. Tumuloy ang mag-asawa sa bahay nina Pol sa Pasay. “Nahihiya ako nun sa biyenan ko kaya nagdesisyon kaming uuwi muna ako sa nanay ko sa Lucena,†sabi ni Jen. Nagtatrabaho naman sa Pasay si Pol bilang ‘tennis-trainer’. Buwan-buwang itong dumadalaw kay Jen. Taong 1993 nang umupa ng titirhan sa Pasay ang mag-asawa. Nagtrabaho si Jen bilang ‘promo girl’ sa Health and Beauty. Si Pol naman ay patuloy pa rin sa pagtuturo ng tennis. Noong 1999 ipinasok si Pol ng kaibigan nilang si Chris Villabon sa PTC agency. “Inayos namin ang mga dokumentong kakailanganin. Halos isang taon din kaming nag-antay na makasampa siya ng barko,†kwento ni Jen.
Tuwing Biyernes tumatawag sa kanya si Pol para maÂngumusta. Naging maayos ang trabaho ni Pol kaya sunud-sunod ang pagpirma niya ng kontrata. “Pag natapos ang isa dun pa lang siya nakakauwi,†sabi ni Jen. Buwan ng Agosto taong 2002… tatlo na ang anak nilang mag-asawa. Nagkaroon ng tatlong buwang bakasyon ang kanyang mister. “Apat na araw siyang nawawala ng bahay. Pagkauwi niya matutulog lang tapos aalis ulit,†pahayag ni Jen. Tuwing magtatanong si Jen kung saan ang lakad ni Pol “Sa malamig na lugar,†ang laging sagot sa kanya. Ito ang napansing pagbabago ni Jen sa mister…ang sumunod sa sala na ito natutulog. “Kapag inaaya ko na matulog na kami lagi niyang sinasabi na mauna na ako,†kwento ni Jen. Hindi na sila nagtatalik at kahit halik man lang di nito ginagawa. Isang taong naging ganito ang takbo ng kanilang relasyon. Taong 2003 habang natutulog ang asawa kinuha niya ang cellphone nito at tiningnan ang mga mensahe sa inbox. Nakita niyang may pangalang ‘Labs’ sa cellphone kaya agad niya itong binasa. “Labs asan ka na? Nakauwi ka na ba ng bahay niyo?†sabi sa text. Ang unang kinabaliwan ng kanyang asawa ay nakilala nito sa ‘beer house’. Ayon kay Jen, lahat ginawa nito sa klab. Nang makita niya ang text message na yun agad niyang kinuha ang ‘sim card’ at itinago, binato ang cellphone at sinira ito. “Bakit ka nakikialam?†galit na sabi ni Pol sabay alis ng bahay. Dumiretso si Pol sa kanyang mga magulang. PagkaÂlipas ng ilang araw nagkaayos silang mag-asawa. Wala nang init ang kanilang pagsasama. Nalaman niya kung saan nakaÂtira ang babae. Kumatok siya sa pinto at nakita niyang buntis ito. Gusto mang magwala ni Jen, hindi niya magawa dahil ayaw niyang mag-eskandalo.
Napag-alaman niyang nagsasama na ang dalawa. Siya na mismo ang nakipaghiwalay kay Pol. Isinama niya ang tatlong anak. Taong 2004 nang tuluyang maghiwalay ang mag-asawa dahil sa pambababae ni Pol. Nanatili namang malapit sa biyenan si Jen. Pinatira sila sa dati nilang bahay dahil nangungupahan si Pol kasama ang kanyang kinakasama na nakilala ni Jen na si Jenalyn Gasunete raw. “Sa ilalim ng punda may nakita akong album,†sabi ni Jen. Agad niya itong kinuha at binuklat. Tumambad sa kanya ang mga larawan ng isang babaeng halos walang saplot sa katawan. “Natural lang kasi sa kanya ang ganyan dahil trabaho niya naman yan,†wika ni Jen. Hinanap ng kanyang asawa ang mga litrato. Nagmaang-maangan si Jen na hindi niya alam kung nasaan iyon. Pagkaraan ng ilang araw natuklasan ni Pol na nasa kanya ang mga litrato. “Lumayas ka rito!†sigaw ni Pol.
Inihagis nito ang apat na bag ni Jen. Inilagay sa bahay na dapat ay uupahan niya. “Kaya niya pala ako pinaalis dahil sila na ng babae niya ang titira dun sa dati naÂming bahay. May anak na sila ngayon. Ang gusto ko mapaalis ang babae dun at kami ng mga anak ko ang tumira. Dapat magbigay din siya ng tamang suporta sa mga bata kung hindi kakasuhan ko siya,†pahayag ni Jen.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Jen. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang pagiging ama ay hindi lamang pagtawag sa iyo ng mga anak mo. Ikaw mismo mayroon kang obligasyon sa kanila para bigyan sila ng magandang kinabukasan. Hindi pwedeng ang anak mo lang sa kinakasama mo ang suportahan mo. Kung hindi mo magagampanan ang iyong obligasyon sa mga anak mo kay Jen kasong RA9262 (Violence Against Women and their Children) ang iyong kakaharapin. At sa iyong pakikiapid, kapag napatunayan ito ‘Concubinage’ naman ang kasong maaari niyang ihabla sa iyo. Pati ang kinakasama mong si Jenalyn damay sa reklamo bilang ‘Concubine’. Kung gusto niyong magkanya-kanya ng landas, desisyon n’yo yun subalit huwag ninyong hayaan ang inyong mga anak na tumawid sa landas ng kinabukasan na hindi n’yo itinataguyod at ginagabayan. Sa mga balikat ni Pol nakapatong ang responsibilidad na ito. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
- Latest