^

Punto Mo

Balik-school

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

NOONG nakaraang linggo, nagbalik-school ako. Literal. As in bumalik ako sa aking school at binisita ito. Muli kong dinalaw ang UPIS at ang mga bagong gusaling itinayo para sa mga Iskolar ng Bayan.

Hindi ko akalaing magkakaroon ng mga bagong academic buildings at facilities ang UPIS. Samantalang nag-aaral pa lamang ako roon ay balita na talaga ang pagpapatibag sa building namin na mistulang “kalat” sa Diliman-Katipunan Ave. Isang compound ng mga building na mahigit tatlong dekada ng nakatayo.
Ngunit dahil binili ng Ayala ang lupain namin, kapalit naman nito ang kanilang pagpapatayo ng panibagong UPIS high school sa loob ng UP Campus, at ito nga ang aking nakita. Magbubukas daw ito sa Oktubre. Kinumbida ako at ang ilan pang UPIS alumni upang makita ang gusali, gayundin kung ano ang mga kailangan pa ng pondo at donasyon upang makumpleto na ang bagong UP High academic compound. Sa aking pagbisita, matapos ang walong taon mula ng ako ay nagtapos doon ng high school noong 2005, muli kong nakapiling ang ilan sa aking mga naging guro at propesor - sina Sir Paul Mabaquiao, ang PE teacher ko; Prof. Yangco at Prof. Flor ng Practical Arts at Home Economics, gayundin si Profesor SJ mula sa Math Department, kasalukuyang principal ng UPIS. Nakakatuwang makitang doon na sila tumanda, at marahil ay tatanda pa at magre-retire. Naisip ko tuloy na marahil ay passion talaga nila ang pagtuturo. Dahil kahit maliit ang kanilang sweldo, at makukulit pa ang mga bata, ay hindi hadlang ang mga ito upang patuloy nilang gabayan.
Bukod sa pagbisita, ang layon ng aking pagdalaw ay upang tingnan kung ano ang maaari kong maitulong sa pagkumpleto ng aming bagong gusali. Dalawang taon na ang proyektong ito ng UPIS at Ayala ngunit may mga ilang bahagi at kagamitan pa ang hindi na sakop ng pondo ng builders. Doon pumapasok ang donasyon ng mga alumni sa pamamagitan ng tinatawag na donate-a-room program o indibidwal at by batch na pag-pledge  ng mga facilities at iba pa. Collective effort ba. Halimbawa, ang aming auditorium ay sponsored ng Mama Sita, dahil mula sa UPIS ang mga may-ari nito. May mga ilang batchmates din ako na nagba­balak na magtagpi-tagpi ng mga ipon nila upang mapon­dohan ang mga upuan, lamesa, pisara at electric fan ng isang silid. Ako naman, nagbabalak na mapag-ipunan ang mga pa­ngangailangan ng isang silid sa Practical Arts and Home Economics Department, da­hil noong nag-aaral ay dito ako laging may award.

Bakit ko ito ikinukuwento sa inyo? Dahil nais ko kayong hikayatin (UPIS alumni man o hindi) na tumulong. Maaa-ring hindi sa pinansiyal, sa pagdo-donate o pagpe-pledge ng kwarto o gamit. Puwede namang sa pagkontak sa ibang ka-batch ninyo na magtipon-tipon at mapag-usapan kung papaano kayo makakapagbalik ng tulong sa paaralan. Isa sa nangangailangan ng pondo ay ang UPIS Gym. Tanda ko noong panahon ko, sa corridors, damuhan at sementadong basketball court lang kami nagti-training ng Volleyball Team dahil wala kaming magandang venue para mag-ensayo. Kaya kung ikaw ay dating atleta ng UPIS, bumisita at magtanong kung papaano makakatulong.
Walang rason upang hindi tumulong. Nag-aral ka rito ng libre. May trabaho ka na siguro at kumikita, ano ba naman ang magsubi ng ilang porsyento ng iyong sweldo para masuklian ang libreng  edukasyon na tinamasa mo. Kung nais tumulong, tumawag sa 929-77-97 at dumulog sa aming principal na si Dr. Ronald M. San Jose. Tulungan ang ating paaralan.

vuukle comment

AKO

AYALA

DAHIL

DILIMAN-KATIPUNAN AVE

DR. RONALD M

HOME ECONOMICS

MAMA SITA

UPIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with