Lampong (312)
NAKITA nila si Raul na nakahandusay at duguan.
Agad inalam ni Tanggol ang kalagayan ni Raul.
“Raul, Raul!†Tawag ni Tanggol. Pinulsuhan si Raul. May tibok pa. Kumilos si Raul. Kahit hirap na hirap ay iminulat ang mga mata. Hirap na hirap ito. Tila mayroong sasabihin. Humawak sa palad ni Tanggol. Pinilit pisilin.
“Raul, anong ibig mong sabihin?â€
Sa paputul-putol na pagsasalita ay humingi ito ng tawad kay Tanggol.
“H-hindi k-ko –k-aya m-mamatay k-kayo ka-kaya d-dinapaan ko ang b-bomba. N-akita k-ko kung saan n-nakatanim k-kay a-agad k-ko kayong p-pinalabas. P-patawad d-dahil na-kasabwat a-ako ni P-Pac…’’
“Oo Raul, pinatatawad kita. Salamat sa pagliÂligtas mo sa amin. Salamat, Raul.’’
Pinisil muli ni Raul ang kamay ni Tanggol.
“May sasabihin ka pa Raul?â€
“P-puntahan m-mo asawa’t anak ko, tulungan mo sila, Tanggol. P-paÂngalan n-niya ay L-linda at anak ko si Noel. K-kawawa n-naman s-sila…â€
“Oo, Raul pupuntahan ko sila. Akong bahala sa kanila.’’
Pinisil muli ni Raul ang palad ni Tanggol.
“U-umalis na k-kayo rito. N-nasa b-bahay ni Mam Jinky si Pac at may m-masamang g-ginagawa.’’
“Dadalhin ka namin sa ospital, Raul.â€
“H-huwag na. H-hindi na ako t-tatagal. H-hinang-hina na a-ako. S-salamat, Tanggol at patawad…’’
Iyon ang huling sinabi ni Raul at nawala na ang hininga. Patay na ito.
Hindi nakapagsalita sina Tanggol at Mulong. Patay na nga ang taong nagligtas sa kanila. Wala na.
Mabilis din naman ang pasya ni Tanggol.
“Maiwan ka rito Mulong at ikaw na ang bahala sa bangkay ni Raul. Uuwi na ako. Nasa panganib si Jinky. Naroon si Pac.â€
“Sige Tanggol, ako nang bahala rito.â€
Mabilis na umalis si Tanggol.
(Itutuloy)
- Latest