Lampong (311)
TUWANG-TUWA si Pac nang lumambot ang loob ni Jinky.
“Wala ka na namang hihintayin na magliligtas sa’yo Jinky. Patay na ang mga tagapagligtas mo. Wala na si Tanggol mo at yung kasama niya. Sumabog na ang kamalig. Eto, basahin mo itong text sa akin nang nagpasabog ng kamalig,†Ipinabasa sa kanya ang text messages pero wala nang interes si Jinky. Iba ang naglalaro sa isipan niya. “Ayon dito, pinasabog na niya ang kamalig at nasusunog na. Malaki ang apoy. Tiyak na maaabo lahat. Ibig sabihin wala nang mati-trace ni anuman doon…â€
Hilakbot si Jinky. NaÂpaka-sama talaga ng taong ito. Masahol pa yata sa demonyo. Pero pinilit na pinakalma ni Jinky ang sarili. Hindi siya dapat mawalan ng pag-asa kahit sinasabi ni Pac na patay na si Tanggol. Dapat maging matigas pa rin siya. Dapat ituloy niya ang pagkukunwari na nagugustuhan na rin niya si Pac. Utak ang gagamitin niya para matakasan ang demonyong nasa harap niya.
“Patay na ang magliligtas sa iyo kaya dapat, tayong dalawa na ang magdiwang ngayon. Wala nang problema. Hindi na rin kita papatayin gaya ng sinabi ko kanina. Paano ko naman papatayin ang magandang katulad mo,†sabi at hinawakan nito ang mga suso ni Jinky. “Ang tagal kong pinagnasaan ito. Pero nasulit naman ang matagal kong paghihintay dahil solong-solo ko na ngayon. Ummm!†Siniil siya ng halik ni Pac. Ang matalas na bigote ay halos bumaon sa kanyang batok. Hindi humihinga si Jinky. Kailangang tiisin niya ang ginagawa ni Pac. KaÂilangang mapaniwala niya ito na payag na nga siya sa anumang gustong gawin nito.
Kapag nakakita siya ng pagkakataon, aagawin niya ang baril at uubusin niya rito ang bala. Bahala na. Kailangan lang ay maging sigurado ang kanyang kilos. Dapat masiguro niyang mapupuruhan si Pac. Kapag nagkamali siya, tapos na siya.
Niyakap siya ni Pac. Naramdaman ni Jinky ang nakatukod na pagkalalaki ni Pac. Parang tuod sa tigas.
Samantala, ipinasya nina Tanggol at Mulong na lapitan ang sumabog na kamalig. Hinanap nila si Raul. Bakasakali. Nagkanya-kanya silang hanap ni Mulong sa mga bahagi nang sumabog na kamalig.
“Tanggol dito! Dali! Si Raul narito!â€
Nagmamadaling lumaÂpit si Tanggol.
(Itutuloy)
- Latest