^

Punto Mo

Bilanggo, hindi nagkasya sa ginawang butas sa padernahuli ng jailguards

- Arnel Medina - Pang-masa

MATAGAL na umanong pinlano ang pagtakas ng mga preso sa Goias jail sa Brazil. Walang kamalay-malay ang mga jailguard na unti-unting binubutas ng mga preso ang pader. Maingat na maingat umano ang ginawang pagbutas sa pader gamit ang metal pipe na kinuha sa tubo ng gripo.

Nang makagawa ng bilog na butas, naghanda na ang mga bilanggo sa pagtakas.

Una munang pinadaan ang mga maliliit na bilanggo. Nang makadaan sa butas ang mga maliliit, ang mga malalaki naman ang dumaan.

Subalit nang ang pinaka-malaking bilango ang dumaan, hindi na niya mailusot ang kalahati ng katawan. Na-stuck siya sa butas. Hindi na rin niya magawang maiurong ang katawan. Naipit ang kanyang katawan sa butas.

Iyon ang dahilan kaya siya nahuli. Huling-huli siya sa akto ng mga jailguard habang nagpipilit makalusot. Nagkasugat-sugat na ang kanyang tagiliran at mga braso pero hindi talaga siya magkasya sa butas.

Para makaalis sa pagkaka-stuck sa butas, tumawag ng mga bumbero ang jailguards para basagin ang pader at maka­lusot ang bilanggo. Gumamit ng sledgehammer ang mga bumbero. Balik sa kulungan ang bilanggo at tinugis naman ang iba pang nakatakas. (www.oddee.com)

BALIK

BUTAS

GOIAS

GUMAMIT

HULING

IYON

MAINGAT

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with