^

Punto Mo

EDITORYAL - Ipagbawal ang silver cleaner at rugby

Pang-masa

MULA Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon, siyam na tao na ang nagsu-suicide gamit ang silver cleaner. Sa mga nag-suicide, karamihan ay mga tinedyer na babae. Noong Pebrero, isang UP student ang nagpakamatay gamit ang silver cleaner. Hindi pinayagang makakuha ng exam ang estudyante at iyon ang dahilan para kitilin ang sariling buhay. Noong nakaraang Sabado, isang 15-anyos na ina ang nagpakamatay din sa pamamagitan ng pag-inom ng chemical solution. May isang pangyayari rin naman na isang batang lalaki ang namatay makaraang aksidenteng makainom ng silver cleaner. Naiwan ng mga magulang ang silver cleaner na kakalat-kalat at nakalagay lang sa baso. Nakuha ng bata at tinungga.

Ang silver cleaner ay ginagamit sa mga jewelry shops at iba pang ang negosyo na may kinalaman sa alahas. Ang solution ay mabisang panglinis sa mga jewelries. Matapang ang solution sapagkat may halong cyanide.

Umano’y mabilis lang bilhin ang silver cleaner at kahit sino ay puwedeng bumili nito.

Ang sunud-sunod na suicide ang nagtulak sa grupong EcoWaste Coalition para himukin si DILG sec. Mar Roxas na arestuhin ang mga gumagawa at nagbebenta ng silver cleaner. Kung hindi raw huhulihin ang mga nabanggit patuloy ang pagbebenta at marami pang gagamit ng silver cleaner para mag-suicide. Ayon pa sa Ecowaste, ipinagbawal na ng DOH at DENR noong 2010 ang paggawa at pagbebenta ng silver cleaner at iba pang toxic substances. Dapat daw magsagawa ng hakbang si Roxas ukol dito.

Ibawal na rin ang pagbebenta ng rugby sa mga kabataan. Ang substance na ito ang sinisinghot ng mga palaboy na bata sa lansangan. Ang pagsinghot ng rugby ay nakatutulong daw para malimutan ang gutom. Kung isasagawa ng DILG ang pag-aresto sa mga nagbebenta ng silver cleaner, ganundin ang gawin sa mga magbebenta ng rugby.

vuukle comment

AYON

CLEANER

DAPAT

ECOWASTE

IBAWAL

MAR ROXAS

MATAPANG

NOONG PEBRERO

SILVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with