^

Punto Mo

Kaya ba ng AFP ang Sayyaf?

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NALAGASAN na naman ng pitong sundalo ang Philippine Marines matapos maki­pagbakbakan sa Abu Sayyaf sa Patikul,  Sulu noong Sabado. Ang masaklap, ma­tagal nang idineklara nang mga nakaraang administrasyong Estrada at Arroyo­ na nadurog na ang bandidong grupo. Na­patay pa ng military ang spokesman ng grupo na si Abu Sabaya.

Pansamantalang nanahimik ang Sayyaf ng ilang buwan at sinabi ng militar na napilayan na ang bandido. Pero bumalik ang Sayyaf sa pangingidnap at ang pinakahuling biktima ay isang Australian na pinalaya rin dahil nagbayad umano ng ransom.

Panahon na upang aminin ng AFP na nahihirapan silang labanan ang Sayyaf. Karamihan sa mga bandido ay may kamag-anak na sibilyan at ang iba ay nakikisalamuha lang sa pang­karaniwang mamamayan.

Ang Sayyaf ay katulad din ng New People’s Army na hindi rin masugpo. Sana naman kung hindi masugpo at maubos ng militar ang Sayyaf ay mapigilan man lang ang pangingidnap. Kailangang kunin ng AFP ang tulong ng local government units at mamamayan upang malipol ang Sayyaf.

Ang pinakaugat nang pamamayagpag ng Sayyaf at NPA ay ang kahirapan lalo na sa mga liblib na probinsiya. Sana, malunasan ng gobyerno ang kahirapan sa mga kanayunan. Kapag nalunasan, mawawala na ang mga bandido at rebelde. 

 

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ANG SAYYAF

KAILANGANG

KAPAG

NEW PEOPLE

PHILIPPINE MARINES

SANA

SAYYAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with