Nick Vujicic (1)
NOONG Sabado ay nakita ko ang taong ipinanganak na walang braso at binti, ngunit nagawa ang mga imposible. Si Nick Vujicic, 30, isang born-again Christian na tumutungo sa iba’t ibang bansa upang magbigay ng testimonya tungkol sa buhay niyang “Life Without Limbsâ€. Nagbibigay pag-asa sa mga taong pinanghihinaan ng loob dahil sa kanilang mga kapansanan.
Matagal ko ng narinig ang tungkol kay Nick, bago ko pa man tinanggap si Hesus sa aking buhay. Matagal nang naantig ng kanyang buhay ang aking buhay. Pero mas lalong nabago ang buhay ko nang makita ko siya at marinig ang kanyang mga aral at salita ng panghihikayat.
Hindi biro ang pinagdaanan ni Nick bago siya naging isang motivational speaker. Dahil nga ipinanganak siyang walang braso at binti, naging dahilan ito ng depresyon sa kanya, lalo na nang ipanganak ang sumunod niyang mga kapatid na buo ang mga bahagi ng katawan. Sa edad na walo ay dumanas siya ng depresyon. Nang tumuntong ng 10-taon ay sinubukang mag-suicide --- nilunod ang sarili sa kanyang paliguan. Hindi siya nagtagumpay dahil naisip niya ang kanyang mga magulang at kapatid na binuhusan siya ng pagmamahal. Dito umikot ang mundo ni Nick.
Paano kung hindi ibinigay ng Diyos sa iyo ang hinihingi mo? Paano kung hindi Niya sagutin and mga tanong mong bakit? Bakit ako? Paano kung hindi mo naiintindihan ang iyong sitwasyon? Magtatampo ka ba Sa Kanya? Hindi. Dahil may maganda at mabuti Siyang plano para sa iyo. Jeremiah 29:11 “For I know the plans that I have for you declares the Lord. Plans to prosper and not to harm you. Plans to give you hope and a future.†God knows best dahil Siya and gumawa sa atin. At laging may mas maganda Siyang plano para sa atin. Kailangan lamang nating magtiwala sa Kanya. Dahil hindi man laging sumasagot kaagad ang Diyos, siya naman ay palaging nakikinig.
Paano natin ipakikita ang paniniwala sa Kanya? HayaÂan natin siya ang magmani-obra ng ating buhay. Huwag nating ipilit ang ating gusto, ang ating daan kung alam nating ikapapahamak ito, o na may masasaktan kapag nakuha natin ang ating gusto. Let God hold the key to your house, and be the driver of your life. Nang sa gayon ay may tagapagtanggol ka laban kay Satan. If you have God with you, you can conquer all things. At walang hindi magagawa, kung nasa puso mo ang Diyos. (Itutuloy)
- Latest