^

Punto Mo

Naaksidente: Kalahati ng ulo, nawala!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TOTOO ang kasabihan na kapag hindi mo pa oras mamatay, hindi ka pa mamamatay. Ganyan ang nangyari kay Carlos “Halfy” Rodriguez ng Miami, Florida. Naaksidente siya sa sasakyan at nahati ang kanyang ulo pero himalang nabuhay.

Unang pagkakataon na humarap sa media si Carlos at naglitawan na sa internet (online) ang kanyang itsura. Kalahati ng ulo niya ang nawala dahil sa car accident na siya rin ang dapat sisihin.

Ayon kay Carlos, nasa impluwensiya ng alak at droga nang maganap ang aksidente. Teenager pa siya noon at maituturing na “bad boy”.

Napakabilis umano ng kanyang pagpapatakbo. Hanggang sa bumangga siya sa poste. Sa lakas ng impact, lumusot siya sa windshield at bumagsak sa kalsada na una ang ulo. Nang daluhan ng rescuers, mistulang patay na si Carlos. Napakaraming dugo ang kanyang ulo. Halos hindi na humihinga nang dalhin sa ospital.

Kailangang alisin ng mga doktor ang malaking bahagi ng kanyang bungo at utak para mailigtas siya sa kamatayan. Nagtagumpay ang mga doktor sa pagsagip sa buhay ni Carlos.

Isang leksiyon ang natutuhan ni Carlos. Ang payo niya sa kabataan, huwag magmamaneho kapag nasa impluwensiya ng alak at droga. (www.unexplainedmysteries.com)

 

AYON

CARLOS

GANYAN

HANGGANG

ISANG

KAILANGANG

KALAHATI

NAAKSIDENTE

NAGTAGUMPAY

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with