EDITORYAL- Sorry na lang kung ayaw tanggapin ang ‘sorry’
PINARURUSAHAN na ang mga OFW sa Taiwan. Ayaw pagbentahan ng pagkain, ayaw isakay sa train at pinahihirapan sa pagkuha ng kung anu-anong dokumento. Matindi na ang diskriminasyon sa mga Pinoy sa Taiwan. Ito ay sa kabila na nagpadala na ng “sorry’’ ang Philippine government sa pamilya ng napatay na Taiwanese noong nakaraang linggo. Una nang nag-sorry ang isang Philippine official pero hindi ito tinanggap ng Taiwan dahil ‘‘informal†at hindi raw “sincereâ€. Kasunod niyon ay ni-recall ng Taiwan ang kanilang representative sa Pilipinas at ipinatigil ang pag-hire sa mga Pilipinong manggagawa.
Ayon kay Taiwanese Premier Jiang Yi-huah, hindi natutuwa ang kanilang pamahalaan sa nangyari. Sa huling report, nababagalan umano ang Taiwan sa imbestigasyon ng pagkakapatay sa kanilang mangiÂngisda. Gusto nilang maparusahan agad ang mga bumaril at pumatay. Binalaan ng Taiwan ang kanilang mamamayan na huwag bumiyahe sa Pilipinas.
Palalim nang palalim ang isyung ito. Ginawa na ng Pilipinas ang lahat ng paraan pero ayaw makinig ang Taiwan. Bingi na sila sa paliwanag sa puno’t dulo ng pangyayari. Ayon sa report, pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang barkong pangisda ng Taiwan kaya dumepensa ang Philippine Coast Guard. Pinaulanan ng bala ang fishing boat na ikinamatay ng isang mangingisda.
Kung ayaw tanggapin ang “sorryâ€, wala tayong magagawa. Mahirap ipagpilitan ang ayaw namang tanggapin. Pinaka-mabuting magagawa ng gobyerno ay maghanap ng bansang pagdadalhan sa ating overseas workers. Paghandaan na ang maaaring mangyari para maiwasan ang pagkakagulo.
- Latest