^

Punto Mo

‘Bogus gift cards’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

AKTIBO na naman ang mga putok sa buhong sindikato na nambi-BITAG at nanloloko sa internet! Mga kawatan na kinakasangkapan at sinasamantala ang magandang katayuan ng call center businesses sa bansa para maghanap ng pagkakaperahan sa iligal nilang mga aktibidades!

Nitong nakaraang araw, na-BITAG ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang modus ng Interface Techno-Phil Inc. sa Cebu City.

Ayon sa mga awtoridad, grupo ito ng mga kawatan na nag-aalok ng mga bogus na gift card voucher sa mga Amerikano sa pamamagitan ng pakikipag-transaksyon sa kanilang internet portal at website. Ang siste, tatawagan ng mga call center agent ang mga parokyano at aalukan ng mga gift card voucher na magagamit umano nila sa lahat ng gasoline station at mga mall sa Amerika.

Oras na kumagat sa alok ang biktima, agad silang hihingan ng $2.99 bukod pa dito ang umano’y processing fee para sa registration card o voucher na nagkakahalaga ng $100. Kapag nakapagbayad na ang target victim sa account ng call center company, hindi na ito kokontakin ng mga kolokoy at iiwanan nalang sa ere!

Hindi na bago ang modus na ito! Gasgas at paulit-ulit na rin ang All Points Bulletin ng mga awtoridad at BITAG  dito. Pero marami pa rin ang nahuhulog sa patibong ng mga sindikato! Tandaan, ang  mga dorobo’t kawatan gagawa at gagawa ng paraan ‘yan para lang makapanggantso! Iibahin nila ang kanilang mga estilo at taktika para maging kapani-paniwala ang kanilang mga estratihiya at pautot.

Tulad ng lagi kong sinasabi sa aking programa, desire o kagustuhan ng mga talpulano’t talpulanang mga kawatan ang magnakaw. At kapag nakahanap sila ng oportunidad, saka sila aatake at manghahalwat ng maaaring pagkakaperahan!

Habang papaunlad ng papaunlad ang teknolohiya, lalo pang dadami ang mga naglulunggang kawatan sa internet sites Huwag papa-BITAG  sa kanilang mga boladas hinggil sa mga “freebies” na inaalok sa murang halaga. Mag-ingat, ingat!

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

vuukle comment

ALL POINTS BULLETIN

BITAG

BITAG LIVE

CEBU CITY

INTERFACE TECHNO-PHIL INC

KALAW HILLS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ANTI-CYBERCRIME GROUP

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with