Lampong (297)
“PAKAKAWALAN na kita pero mangako ka na makikipagtulungan sa amin para mapanagot ang Pac na iyon sa ginagawa niya,†sabi ni Tanggol nang makalapit sa lalaking nakagapos.
“Opo, Sir. Pangako po. Titestigo ako. Patutunayan ko po na siya ang nag-utos. Narinig ko mismo. Ang totoo ay may kuha ako sa aking cell phone habang iniaabot ang perang bayad para ka patayin.’’
“Kanino iniabot?â€
“Dun sa lalaking kasama ko.â€
“Nasaan ang cell phone mo?â€
“Nasa misis ko. Sabi ko huwag niyang iwawala dahil mahalaga ang laman niyon.’’
Napatangu-tango si Tanggol. Nagsasabi nga ng totoo ang taong ito. Walang gatol sa pagsasabi. Sunud-sunod ang mga pangyayari.
“Sige pakakawalan na kita.â€
“Salamat po Sir.’’
Kinalag ni Tanggol ang bagin na nakatali sa paa. Mahigpit ang pagkakatali niya. Pagkaraang alisin ang bagin sa paa ay inalis naman ang nasa kamay.
“Ayan malaya ka na. Huwag mong kalilimutan ang pangako.’’
“Hindi po. Titestigo po ako.’’
“Anong pangalan mo?â€
“Raul po.’’
“Maituturo mo ba kung nasaan ngayon si Pac?â€
“Sa ngayon po ay nasa Maynila siya. Luluwas daw siya para hindi paghinalaan na may kinalaman siya.’’
“Umaasa palang mapapatay ako ngayon,†sabi ni Tanggol.
“Opo. Kasi’y ipinangako ng kasama ko. Hired killer po talaga ang kasama ko. Ilang beses nang nakulong.’’
“Anong pangalan ng hayop na yun?â€
“Nognog po.’’
“Gusto kong makita kung nasaan ang Nognog na ‘yun.â€
“Sasamahan kita Sir pero ituturo ko lang po ang bahay. Kasi po baka patayin ako ng Nognog na yun. Balewala na po kasi ang buhay niya. Patay kung patay siya. Ang balak nga po, kapag daw nailigpit ka na, si Mam naman ang gagahasain niya…â€
“Talaga palang hayup ano?â€
“Opo.â€
“May armas ba siya?â€
“Mayroon po siyang baril at samurai.â€
“Halika, gusto kong makaharap ang hayup na Nognog na ‘yun.â€
(Itutuloy)
- Latest