Lampong (294)
U UNDAYAN pa sana ni Tanggol ng palo ang nakahandusay na lalaki pero nagmakaawa ito. Umaaringking sa sakit ang lalaki na tinamaan sa tuhod at tagiliran. Hindi makakilos sapagkat maÂlakas ang pagkakahataw niya. At kung hindi ito nagmakaawa, baka sa ulo pa niya pinatamaan.
“Huwag po Sir! Inutusan lamang po ako. Hindi po ako masamang tao.’’’
“Hayup ka, muntik mo na akong patayin. Binagsakan mo ako ng malaking bato at kung hindi ako nakailag, baka patay na ako ngayon!’’
“Hindi po ako yun, Sir. Yung kasama ko po !’’
“Kasama? Mayroon kang kasama?â€
Tumingin si Tanggol sa paligid. Wala naman siyang makita.
‘‘Niloloko mo ba ako o gusto mo paluin na kita para matapos na ang kaÂwalanghiyaan mo.’’
“May kasama po ako Sir pero nakatakbo po. Siya po ang naghagis ng bato sa’yo. Ako lamang po ang naglagay ng sanga sa daan. Maniwala ka po, Sir.’’
Hindi makumbinsi si Tanggol. Mukhang nilalansi siya ng lalaki.
‘‘Igagapos kita!’’
Mabilis na nakakuha ng baging si Tanggol at agad na tinalian ang lalaki na hindi pa rin makakilos dahil sa tama sa tuhod.
‘‘Ngayon, sino ang nag-utos sa’yo na patayin ako?’’
Mabilis na nagsalita ang lalaki.
‘‘Si Mag Pac po. KaÂilangan daw po, mapatay ka para masolo ang baÂbaing gusto niya noon pa!’’
(Itutuloy)
- Latest