^

Punto Mo

Bading na Penguin?

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAG-AARALAN ng ornithologists kung may kaugnayan ang mercury pollution na idinudulot ng mga minahan sa pagkakaroon ng mga bading o homesexual na ibon. Mayroon na silang naiipong katibayan na malaki ang kaugnayan ng mercury sa pagkakaroon ng mga bading na ibon.

Sa isang pag-aaral nila sa ilang bansa sa South America, mayroon silang natuklasan na mga ibong lalaki na magkasama sa isang pugad at nagsasama bilang mga asawa.

Sa pag-aaral nila sa Australia, natuklasan na mayroong mga lalaking black swan na magkasama sa iisang pugad. At natuklasan din sa pag-aaral na may tatlong black swan (dalawang lalaki at isang babae) na magkasalo sa pugad. Mas maganda umano ang threesomes sapagkat naipagtatanggol ng dalawang lalaki ang babaing kapartner nila sa sinumang nagtatangkang umagaw o kaya’y pumatay.

Ang pinaka-kontrobersiya na balita sa kabadingan ng mga ibon ay ang tungkol sa dalawang lalaking penguin sa isang zoo na nagtangkang magnakaw ng itlog sa isang mag-asawang penguin. Naghinala ang ortnithologists sa dalawang lalaking ibon kung bakit ganun ang behaviour --- maaaring bading ang mga ito.

Para makasiguro, binigyan nila ng itlog ang dalawang lalaking penguin. At sa kanilang pagtataka, tagumpay na nilimliman nila ang itlog at nang mapisa ito, pinagtulungan nilang palakihin ang batang penguin. Mahal na mahal nila ang batang penguin.

DALAWANG

IBON

ISANG

LALAKING

MAYROON

NAGHINALA

NILA

PENGUIN

SOUTH AMERICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with