^

Punto Mo

Maging wais sa pagboto

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NGAYONG araw ng elek­siyon, hinihikayat ko ang mga botante na gamitin ang karapatan sa pagpili sa mga namumuno sa bansa mula sa senador, kongresista, gobernador, mayor at iba pang local officials.

Madalas dumaing ang ma­raming Pilipino sa hirap ng pamumuhay at madalas sisihin ang gobyerno. Ang solusyon ay bumoto tayo nang tamang tao na maglilingkod ng maa-yos at matapat.

Dapat maging wais tayo sa pagboto. Huwag basta maniwala sa mga resulta ng survey dahil mapanlinlang at hindi lubos ang katotohanan. Paano paniniwalaan ang survey gayung 1,200 respondents lamang ang tinanong. Sila ba ang kakatawan sa milyon-milyong mamamayan sa bansa?

Sana sa susunod na 2016 eleksiyon ay ipagbawal na ang paglalabas ng resulta ng survey. Kung nais talaga nila ang magpa-survey kailangang sikreto ito.

Baguhin na ang bandwagon mentality na ayaw iboto ang kursunadang kandidato dahil hindi nangunguna sa mga commercial survey sa pag-aakalang matatalo lang ito. Makabu-buting sundin na lang ang hakbang ng iba’t ibang religious organization tulad ng Iglesia Ni Cristo hinggil sa piniling kandidato.

Kilala ang INC na nagkakaisa sa pagboto at sinusunod ng mga kaanib batay sa kapasyahan ng kanilang tagapamahalang pangkalahatan. Kung hindi pa kuntento, silipin din ang inindorso ng El Shaddai at iba pang relihiyon.

Maging wais sa pagboto. Tiyakin na magagamit ng bawat botante na pumili ng tamang kandidato para sa isang posis­yon. Sa eleksiyon lang pantay ang karapatan ng lahat. Iisa lang ang bilang ng boto kaya gamitin nang tama.

BAGUHIN

DAPAT

EL SHADDAI

HUWAG

IGLESIA NI CRISTO

IISA

KILALA

MADALAS

MAKABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with