^

Punto Mo

EDITORYAL - Nasa inyong mga kamay ang kinabukasan ng bayan

Pang-masa

NGAYONG araw na ito ay nasa kamay ng bawat Pilipinong botante ang magiging kapalaran at kinabukasan ng Pilipinas. Nasa mga iboboto nilang kandidato ang magiging katuparan ng inaasam na pag-unlad ng bansang ito na matagal na ring nakasubsob sa kahirapan. Nasa kamay ng mga botante ang hinaharap. Kung hindi magiging matalino sa pagboto, walang mangyayaring maganda sa bansang ito. Kung ang ibobotong kandidato ngayon ay pawang pansarili rin ang pagtutuunan ng pansin, walang ibang kawawa kundi mismong mga botante. Sisihin ang mga botanteng naghalal ng mga inutil, corrupt at pawang pagpapayaman ang hangad.

Sundin ang konsensiya sa pagboto ngayon at iwaksi ang mga kandidatong walang plataporma. Mahalaga ang may plataporma sapagkat maihahalintulad ito sa paggawa ng bahay na may plano. Kung ang isang ginagawang bahay ay walang plano, tiyak na mawawasak ito kapag lumindol o bumagyo. Suriin ang mga plano ng kandidato para sa kapakanan ng mamamayan.

Huwag iboto ang mga kandidatong namumud- mod ng pera. Malinaw na kapag pera ang ipinamudmod, babawiin niya ito kapag nasa puwesto na. Hindi kailanman makapaglilingkod nang maayos ang mga kandidatong mayroong babawiin. Mas magiging prayoridad niya ang “pagnanakaw’’ sa kaban ng bayan.

Huwag iboto ang mga kandidatong walang pagmamahal sa kapaligiran. Kapag ang kandidato’y walang binanggit sa kanyang plataporma ukol sa pangangalaga sa kapaligiran, itakwil ito. Hindi kailangan ang kandidatong walang pagmamahal at pagkalinga sa kapaligiran.

Nasa kamay ng botante ang kinabukasan ng bayan. Iboto ang mga nararapat na kandidato ngayong araw na ito.

HUWAG

IBOTO

KAPAG

MAHALAGA

MALINAW

PILIPINAS

PILIPINONG

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with