^

Punto Mo

Lampong (292)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO yun?”

“Alin, Tanggol?’’

“May nakaharang sa git- na ng kalsada.’’

Tinanaw ni Jinky ang tinuro ni Tanggol. Hindi niya masigurado kung ano.

“Katawan ba ng saging yun o niyog, Tanggol?’’

“Parang katawan po ng saging.’’

“Bakit nasa gitnang-gitna? Parang sinadya na doon ilagay.’’

“Baka po may kumuha ng saging at doon bumagsak nang putulin ang puno.”

“Ang layo naman ng sa-gingan. Palagay ko sinadya ‘yan.’’

Tumigil sila. Bumaba si Tanggol at ininspeksiyon ang nakaharang.

“Katawan nga ng saging at bagong putol lang, Mam Jinky.’’

“Hindi kaya may gustong sumalbahe sa atin, Tanggol?’’

Nag-isip si Tanggol. Pagkaraan ay pinagmasdan ang paligid. Wala naman siyang napansing kakaiba sa paligid. Pawang mga kahoy, niyog at saging ang nakita niya. Walang mga bahay sa lugar na iyon sapagkat liblib.

“Wala naman akong makitang tao na maaaring sumalbahe sa atin Mam Jinky. Siguro nga ay natangay lang dito sa gitna ng kalsada ang puno ng saging.”

Binuhat ni Tanggol ang puno ng saging at dinala sa gilid ng kalsada. Pagkaraan ay bumalik sa traysikel. Pinaandar at umalis sila sa lugar. Nakala-rawan sa mukha ni Jinky ang pag-aalala. Duda siya kung bakit nasa gitna ng kalsada ang puno ng saging. May kutob siya na mayroong gustong gumawa ng masama sa kanila ni Tanggol. Nararamdaman niya na may kaugnayan iyon sa pagbabanta ni Pac sa kanya noon. Naghihintay lamang ng tamang pagkakataon si Pac. Alam niya na malaki ang pagnanasa sa kanya ni Pac.

Nakarating sila sa bayan. Marami nang tao sa palengke.

Kabisado na ni Jinky ang mga bibilhin. Sa tagal nang ginagawang pamamalengke, kabisado na rin niya kung saang tindahan bibili. Maraming biniling bigas, karne at isda si Jinky. Pang-one week na supply ang binili niya.

“Matagal ka nang namamalengke rito, Mam Jinky?”

“Oo. Kabisado ko na itong Socorro Market. Halos lahat nang tindera at tindero rito ay kilala ko na.’’

‘‘Ikaw lang ang namamalengke?”

‘‘Oo. Ang bigat nga ng mga pinamili ko.’’

“Mula nga-yon ay hindi ka mahihirapan dahil kasama mo na ako.’’

“Salamat Tanggol.”

Nang mabili ang lahat nang kailangan ay hinakot iyon ni Tanggol sa traysikel. Halos mapuno ang traysikel sa dami ng pinamili.

Pagkatapos ay umalis na sila.

“Kailangan bago mag-lunch ay nasa bahay na tayo, Tanggol.’’

“Opo Mam Jinky.’’

‘‘Mag-ingat ka lang lalo na sa lugar na kinakitaan natin ng harang.’’

(Itutuloy)

JINKY

KABISADO

KATAWAN

MAM JINKY

NANG

OO

OPO MAM JINKY

SAGING

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with