^

Punto Mo

Strep A: Flesh-eating bacteria

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBA ang sakit na dumapo sa limang taong gulang na si Jake Finkbonner. Noong Pebrero 2006, naglalaro si Jake sa Pee-Wee League basketball game nang bigla siyang itulak mula sa likod ng ka-teammate. Tumama ang kanyang lips sa base ng basketball hoop at nabiyak iyon. Dumugo nang dumugo.

Agad dinala si Jake ng kanyang mga magulang sa ospital. At makaraang suriin ng doktor ang sugat, sinabi nito sa mga magulang na maaaring ikamatay ni Jake ang sugat. Gimbal ang mga magulang ni Jake. Ayon sa doktor, infected ang sugat nang tinatawag na Strep A --- isang flesh-eating bacteria. Maaaring mamatay si Jake sa loob ng 24 oras, makaraan ang infection. Umano’y nakuha ang Strep A sa base ng basketball loop na tinamaan ni Jake.  

Ayon pa sa doktor, ang sakit na Strep A ay kahalintulad  ng sinindihang parchment paper na mabilis kumalat ang apoy. Kapag sinindihan ang kabilang dulo, iglap na masusunog din ang kabila. Sa isang iglap, lalamunin ng bacteria ang mga nakapaligid na bahagi ng katawan ni Jake.

Nagdasal ang pamilya ni Jake na makaligtas ito sa kamatayan. Bilang mga Katoliko, binigyan ng last rites si Jake. Hanggang sa

Magdasal sila kay Blessed Kateri Tekakwitha, isang Mohawk Indian na na-convert sa Catholicism (si Jake ay half Lummi Indian).

Himala ang nangyari sapagkat bumagal ang infection. Hanggang sa tuluyang tumigil at nakaligtas si Jake sa kamatayan. Hindi makapaniwala ang mga doktor. Sinuri muli siya at wala na nga ang Strep A bacteria.

Makaraan iyon ay isinailalim si Jake sa skin grafts at iba pang surgical procedures para maibalik ang nasirang mukha ni Jake. Dahil sa paggaling ni Jake sa pamamagitan ni Blessed Kateri, ikukunsidera iyon para siya maging Santa.

AYON

BLESSED KATERI

BLESSED KATERI TEKAKWITHA

HANGGANG

JAKE

JAKE FINKBONNER

LUMMI INDIAN

MOHAWK INDIAN

NOONG PEBRERO

STREP A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with