^

Punto Mo

78,000 katao gustong tumira sa Mars

PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Merong ulat sa space.com na ginamit din sa news site ng Yahoo nitong nagdaang Miyerkules hinggil sa 78,000 katao mula sa iba’t-ibang bansa na gustong manirahan sa Mars habambuhay.

Ibig sabihin, permanente na sila sa pulang planeta. Hindi na babalik sa Daigdig.    Umabot na sa ganitong bilang sa loob lang ng dalawang linggo ang nagsumite ng aplikasyon sa non-profit organization na Mars One na nakabase sa The Netherlands at naglulunsad ng programa para makapagpadala ng unang mga tao sa naturang planeta. Noong Abril 22 umano binuksan ang aplikasyon at tatagal hanggang Agosto 23 ang proseso sa mga aplikasyon

Sa mahigit 78,000 aplikante na ito, apat lang muna ang pipiliin para magtayo ng kolonya sa Mars sa taong 2023. Bawat dalawang taon ay merong ipapadalang astronaut doon.

Ayon sa ulat, sino mang may edad na mula 18 anyos pataas ay maaaring mag-apply, magsusumite ng video na nagpapaliwanag kung bakit gusto nilang tumira sa Mars. Meron nga lang bayad (mula $5 hanggang $75) sa pag-aaply depende sa takbo ng ekonomiya ng bansang kinaroroonan ng aplikante.

Mula sa kabuuang bilang ng mga aplikante, pipili ng 50 hanggang 100 candidate mula sa bawat isa sa 300 rehiyon sa buong mundo. Mababawasan ito hanggang sa katagalan. Sa taong 2015, bababa ito sa 28 hanggang 40 candidate, ayon sa mga opisyal. Hahatiin ang grupong ito sa apat at sasanayin sa one-way Mars mission sa loob ng pitong taon. Sa bandang huli ay apat ang matitira at siyang unang ipapadala sa Mars.

Sinasabi rin ng Mars One na ang mga aplikante ay nagmula sa mahigit 120 bansa. Nangunguna ang United Sates (17,324) at sumusunod ang China (10,241), United Kingdom (3,581), Russia, Mexico, Brazil, Canada, Colombia, Argentina at India.

Dahil siguro sa dami na rin ng problema sa mundo tulad ng mga giyera o away ng mga bansa, bagsak na ekonomiya, kawalan ng trabaho, tumataas na gastusin sa araw-araw na pamumuhay,  pagkasira ng kapaligiran at iba pa, hindi nga katakataka kung ganyan karami ang mga taong nagnanais nang lumisan sa Daigdig at magtayo ng bago nilang pamumuhay sa ibang planeta. (Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa e-mail address na [email protected])

AGOSTO

ANUMANG

AYON

DAIGDIG

MARS

MARS ONE

NOONG ABRIL

UNITED KINGDOM

UNITED SATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with