^

Punto Mo

Galaw-galaw para hindi pumanaw

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

GUSTO ba nating mabuhay ng mahaba? Siyempre, gusto natin! Kung ganoon, dapat na tayong gumalaw-galaw, Kapag lagi tayong nag-eehersisyo, mas gaganda ang lagay ng ating puso, baga, utak, bituka, buto, masel at buong katawan.

Naglabas ng guidelines sa ehersisyo ang ilang grupo ng eksperto sa kalusugan, kabilang na ang Department of Health, World Health Organization, at UP-College of Human Kinetics.

Ayon sa payo mula sa Philippine National Guidelines on Physical Activity, heto ang mga dapat sundin para maging ligtas habang nag-e-ehersisyo:

Una sa lahat, bago mag-umpisa ng matinding pag-e-ehersisyo, kailangan muna kumunsulta sa isang doktor para malaman ang lagay ng iyong kalusugan. Sa mga senior citizens at sa mga may sakit, itanong muna sa iyong doktor kung anong klaseng ehersisyo ang babagay sa iyo.

Mag-umpisa ng dahan-dahan sa pag-e-ehersisyo. Halimbawa, maglakad muna ng 15 hanggang 30 minutos at unti-unting itaas ang antas nito. Kapag ika’y hiningal, magpahinga na muna.

Ang tamang pag-eehersisyo ay ginagawa ng 3 o 5 beses sa isang linggo lamang. Bigyan din ng sapat na pahinga ang iyong katawan para maghilom at lumakas ito.

Sa iyong pag-e-ehersisyo, kapag ika’y nahilo, nasuka, nahapo o sumakit ang dibdib, itigil na ang ehersisyo at magpahinga. Magpatingin sa doktor kung kinakailangan.

Malalaman mo na sobra ang iyong pag-eehersisyo kung masakit na ang iyong kalamnan at kasu-kasuan. Kapag matindi din ang iyong hingal ay dapat na rin tumigil.

Uminom ng sapat na tubig bago at habang nag-eehersisyo. Uminom ng isang basong tubig bawat 30 minutos ng pag-eehersisyo. Ganito karaming tubig ang nawawala sa katawan natin kapag tayo’y pinagpapawisan na.

Magsuot ng tamang kasuotan habang nag-eehersisyo. Magsuot ng jacket kung maginaw, o mag-shorts naman kung mainit. Siguraduhing malambot at matibay ang iyong sapatos, tulad ng rubber shoes o walking shoes.

8. Pumili ng ligtas na lugar habang nag-eehersisyo. Mag-ingat na hindi madapa o maaksidente habang nagpapapawis.

9. Pagkatapos mag-ehersisyo ay hayaang makapahinga ang iyong katawan. Magbihis ng damit at uminom ng tubig. May tulong din ang pagkain ng saging at prutas na may taglay ng potassium na kailangan ng katawan. Tandaan, malaki ang tulong sa ating kalusugan ng tamang pag-eehersisyo.

vuukle comment

COLLEGE OF HUMAN KINETICS

DEPARTMENT OF HEALTH

EEHERSISYO

EHERSISYO

IYONG

KAPAG

MAGSUOT

PAG

PHILIPPINE NATIONAL GUIDELINES

PHYSICAL ACTIVITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with