Dalagita, nag-iisang nakaligtas sa plane crash
HIMALA ang pagkakaligtas ng dalagitang si Bahia BakariÂ, isang French, nang bumagsak ang sinasakyang eroplano sa Indian Ocean noong Hunyo 30, 2009. Sa 153 na sakay ng eroplano si Bahia lamang ang nakaligtas at naikuwento ang hindi malilimutang karanasan.
Ayon kay Bahia, siya at kanyang ina ay sumakay ng Yemenia Flight 626, ng gabing iyon ng Hunyo 29. Nang sumapit ang alas-dos ng madaling araw, nagkaroon ng aberya ang eroplano at bumagsak sa gitna ng dagat.
Bago pa tuluyang lumubog ang eroplano, nakalabas si Bahia. Kahit walang life jacket ay natuto siyang magpaÂlutang-lutang. Hanggang sa makita niya ang nakalutang na piraso ng eroplano. Doon siya kumapit. Ayon kay Bahia, may naririnig siyang mga boses at palagay niya iyon ay ang iba pang pasahero. Hanggang sa unti-unti raw mawala ang mga tinig. Noon lamang daw niya na-realized na nag-iisa na pala siya.
Nagpatuloy sa paglutang si Bahia hanggang sumikat ang araw. Dakong alas-onse ng umaga, isang barko ang dumaan sa lugar at iniligtas siya.
Nabalian sa pelvis at nasira ang collarbone ni Bahia. Ayon sa mga doktor, isang himala ang nangyari sapagkat iyon lamang ang tanging pinsala ni Bahia.
- Latest