Lampong (290)
“M AGKATOTOO sana ang mga siÂnabi mo Tanggol. Sana nga, may magmahal pa sa aking lalaki at hindi lang ang katawan ko ang gusto. Inaalala ko rin na baka dahil mayroon na akong anak ay wala nang magtotoo. Siyempre may mga lalaking ayaw na mayroong “nakalipas†ang kanilang magiging asawa…’’
“May lalaki pang magmamahal nang labis sa’yo, Jinky. Maniwala ka sa akin…†Nangungumbinsi ang boses ni Tanggol.
Napangiti si Jinky.
“Talagang malakas ang vibration mo Tanggol na may magmamahal pa sa akin?’’
‘‘Opo Mam Jinky.’’
“Ano sa palagay mo, taga-rito lang siya o taga-ibang lugar?’’
Nabigla si Tanggol sa tanong.
“Taga-ibang lugar po, Mam Jinky.’’
Napahalakhak na si Jinky,
“Para kang psychic, Tanggol na nalalaman ang mangyayari.’’
“Kutob ko lang yun Mam Jinky. Kasi sino ba naman ang lalaking hindi magkakagusto sa’yo e bukod sa maganda na ay matalino pa at bukod doon ay mayaman pa…â€
Lalo pang napahalakhak si Jinky, Naaaliw siya sa mga sinasabi ni Tanggol.
“Hindi naman ako maÂyaman, Tanggol. Katamtaman lang ang buhay ko.’’
“Ang isa pa pong nakakahanga sa’yo Mam Jinky ay ang pagiging masikap mo sa buhay. Mula sa wala ay naging matagumpay kang entrepreneur. Marami kang nabigyan ng trabaho. Isa kang kahanga-hangang babae, Mam Jinky…’’
“Maraming salamat Tanggol. Lalo mo akong binigyan ng lakas ng loob na makaÂtulong pa sa mga walang trabaho dito sa barangay.â€
“Hindi mo nga po pala nabanggit kung paano ka napasok sa pag-aalaga ng itik, Mam Jinky. Paano mo ba naisip ito?â€
“Dati kasi ay nag-aalaga na si Mama ng itik --- mga ilang itik lang na nasa likod ng bahay. Napansin ko, mabilis palang mangitlog. Yung 25 itik ni Mama ay nagpu-produce ng isang dosenang itlog sa isang araw. Kinuwenta ko, kung mayroon akong 100 itik, more or less may 50 piraso ako ng itlog araw-araw. Kinuwenta ko kung magkano per piraso ng itlog ng itik sa market. Aba malaki ang kikitain. Kaya ayun, sinubukan ko at tagumpay. Nakapag-branch out ako. Yung ibang itlog ay ginagawang balut. Mayroon din akong bibingkahan. Di ba sa ibabaw ng bibingka ay nilalagyan ng itlog na maalat…â€
Tinigil ni Jinky ang pagsasalita nang makita si Tanggol na napangiti.
“Bakit ka napangiti, Tanggol?â€
“Kasi po hindi na yata itlog ang nilalagay sa biÂbingka ngayon?’’
“Ano?’’
“Hotdog na po yata.â€
“Hmmm, joke yan o totoo?â€
“Joke lang Mam Jinky. Pinatatawa lang kita.’’
Tinitigan na naman ni Jinky si Tanggol. Parang naghihinala.
“Alam mo Tanggol, mayroon kang nakakahawig at ganunding magsalita. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita…’’
(Itutuloy)
- Latest