^

Punto Mo

EDITORYAL - Patuloy ang illegal logging

Pang-masa

K AMAKAILAN, inihayag ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na paliit nang paliit ang mga ka­gubatan sa bansa. Umano’y 24 percent na lamang ang forest covered area ng Pilipinas.

Nakakaalarma ang pahayag. Maaaring duma­ting ang araw na wala nang makikitang kagubatan at pawang kalbong bundok na lamang. Kawawa ang mga susunod na henerasyon. At walang ibang dapat sisihin sa mga nangyari kundi ang illegal loggers. Sisihin na rin ang DENR sapagkat walang kakayahang proteksiyunan ang mga kagubatan at kabundukan.

Sa kabila na mayroon nang kautusan na bawal ang pagputol sa mga punongkahoy, patuloy pa rin itong sinusuway. Patuloy ang pagputol ng mga puno sa Mindanao at dinadala ang mga troso dito sa Metro Manila sakay ng container vans. Milyong piso ang halaga ng mga troso. Wala nang kinatatakutan ang mga logger. Patuloy sa pagtumba ng mga puno.

Ang pagkalbo sa mga kagubatan ang dahilan kaya may mga grabeng pagbaha at pagguho ng lupa sa maraming panig ng bansa. Dahil napanot na ang mga bundok, wala nang tibay ang lupa at kapag umulan ay nabibiyak at naguguho. Tulad nang nangyari sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte noong Pebrero 17, 2006 kung saan naguho ang bundok at tinabunan ang buong ba­rangay. Ayon sa mga residente ng Guinsaugon, nakarinig sila ng ugong at kasunod niyon ay naguho ang bundok. Isang elementary school ang nata­bunan at nalibing nang buhay ang mga bata. Mahigit 1,000 katao ang namatay.

Noong nakaraang Disyembre 2011, bumaha sa Cagayan de Oro at Iligan cities at may 500 katao ang namatay. Illegal logging ang dahilan nang pagbaha sa dalawang lungsod.

Ipakita ng DENR ang kanilang pangil at ikagat ito sa mga illegal logger. Dapat maputol na ang mga nagwawasak sa kagubatan.

 

AYON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GUINSAUGON

METRO MANILA

NANG

PATULOY

SOUTHERN LEYTE

ST. BERNARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with