^

Punto Mo

EDITORYAL - Retrato ng sakit na nakukuha sa pagyoyosi, ilagay sa pakete

Pang-masa

NAKIKIISA kami sa panawagan ng Department of Health na isulong ang pag-iimprenta ng mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo sa mismong kaha o pakete nito. Napakagandang malaman na hindi tumitigil ang DOH secretary sa kanilang nasimulan. Patuloy ang kanilang kampanya na para mailagay sa mga pakete ang retrato ng cancer sa baga, bibig, dila, pisngi at marami pang iba upang magsilbing babala sa mga naninigarilyo. Hindi raw sila nagbabago ng posisyon at naniniwala silang matutupad ang kanilang ipinagla­laban. Ayon kay DOH secretary Enrique Ona, magandang paalala sa mga naninigarilyo ang pagla­lagay ng mga sakit na nakuha sa paninigarilyo. Maa­aring matakot sila at bitawan na karaka-raka ang bisyo.

Sa mga bansa sa Southeast Asia, tanging ang Pili­pinas na lamang ang walang graphic health warning sa mga kaha at pakete ng sigarilyo. Matagal na umanong ginagawa ito ng mga bansa at malaki ang naitulong sa mamamayan sapagkat nabawasan ang mga naninigarilyo. Natakot sila nang makita ang photo ng sakit.

Bilyong piso ang ginagasta ng pamahalaan sa mga nagkakasakit dahil sa paninigarilyo. Malaking pera ang nasasayang na kung tutuusin naman ay maaaring maiwasan at makakapag-save pa ang pamahalaan. Marami nang namatay dahil sa mga sakit na nakuha sa paninigarilyo at panahon  na para maisalba ang iba pang nagsisimula pa lamang maging sugapa sa paninigarilyo.

Nararapat suportahan ng mamamayan ang adhikain­ ng DOH na mailigtas ang mamamayan sa panganib ng paninigarilyo. Marami ang maililigtas kung magtutulung-tulong para maiwasan ang nakamamatay na bisyo.

 

AYON

BILYONG

ENRIQUE ONA

MAA

MALAKING

MARAMI

MATAGAL

SOUTHEAST ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with